- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
State university at child development center tumutulong sa disaster preparedness
- Details
- Wednesday, 12 December 2018 - 5:07:52 PM
Bilang isa sa mga leading engineering schools sa bansa, ginagamit din ng Batangas State University (BSU) ang technical resources nito sa pagpapalakas ng disaster risk reduction and management ng bansa sa pamamagitan ng naimbento nitong Solar Powered Isotropic Generator of Acoustic Wave (SIGAW) na isang tsunami early warning system.
Tumanggap muli ng Special Recognition for Group Category ang Team SIGAW para sa kanilang tsunami early warning system mula sa 20th National Gawad Kalasag ng Office of National Defense nitong December 4 as AFP Theatre, Camp Aguinaldo Quezon City.
Ayon kay BSU President Tirso Ronquillo, ang SIGAW ay bahagi ng kanilang DRRM program, kung saan ang mga taong nasa likod ng invention na ito ay siya bilang project leader kasama ang mga miyembro ng faculty na sina Engr. Albertson Amante, Engr. Rojay Flores, Engr Eugene Ereno, Engr Emmanuel Bobis at Mr Carlito Mayo. Ito ay kanilang nedevelop sa loob ng tatlong buwan at nagkakahalaga ng P 250,000.
Ang proyektong ito ay pinondohan ng United Nations World Food Programme (WFP) sa halagang P4.2 million kung saan nagdevelop sila ng 17 units at ipinagkaloob sa mga coastal communities sa pakikipag-ugnayan sa Provincial DRRMO na siyang nag-identify ng coastal communities na paglalagyan ng SIGAW. Ilan sa mga lugar na ito ay ang Calatagan, Lian, Nasugbu, San Juan, Mabini, Bauan, Tingloy at iba pa. Ang Department of Science and Technology (DOST) naman ang tumulong upang mabigyan sila ng sensor signal mula sa Advance Science Technolgy Institute (ASTI).
“Our vision is to make this available and install all throughout the country specifically in the coastal areas, we target all LGU’s for this project. We are very proud na ilang beses na kaming nanalo sa region at nakarating sa national for excellence in DRM using science and technology. Its overwhelming kasi we are the only university na awardee,” sabi ni Ronquillo.
“Our plan is to make the siren louder for it to reach more barrio folks but this will entail some costs kaya sana mapondohan,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan ay kinomisyon sila ng DOST upang magdevelop at maglagay ng 20 SIGAW units sa coastal areas sa lalawigan ng Quezon.
Samantala, naging finalist naman ang Barangay San Isidro Child Development Center (CDC) sa National Gawad Kalasag kung saan tumanggap ito ng citation bilang natatanging Early Learning Center..
Ayon kay Arceli Esmedilla, child development worker ng barangay San Isidro, napili ang kanilang CDC dahil sa magagandang proyekto at programang kanilang ipinatutupad tulad ng feeding program. Malaking puntos din aniya ang kanilang magandang lokasyon kung saan sila ay malapit sa police station, health center at sa barangay hall kung saan lubos ang suporta ng mga opisyales ng barangay. Mayroon silang cctv camera para seguridad ng mga bata. Malawak din ang area kung saan nila isinasagawa ang earthquake drill. Lubos ang kanilang pasasalamat sa tulong ng lokal na pamahalaan upang mapondohan ang isinagawang renovation ng naturang center na may 93 daycare children.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.