- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pamilyang ligtas sa sunog palakasin - BFP sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month
- Details
- Friday, 01 March 2019 - 9:36:00 AM
“Ligtas Na Pilipinas ating kamtin, bawat pamilya ay sanayin, kaalaman sa sunog ay palawakin”.
Ito ang tema ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pag obserba ng Fire Protection Month ngayong Marso na pagpasok ng tag-init kung saan tumataas ang bilang ng mga sunog.
Ayon kay Batangas City Fire Marshal Elaine Evagelista, ang pamilya bilang basic unit of society ang nangungunang dapat magkaroon ng kamalayan at kaalaman sa pagiging ligtas ng tahanan sa sunog.
Ito ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation kung saan ang barangay Libjo ang magiging pilot barangay.
Bilang kick-off activity, nagkaroon ng motorcade noong March 1, kung saan lumahok ang humigit kumulang sa 50 establisyimento, industriya, ospital, paaralan at mga ahensya sa lungsod.
Ilan ding fire safety awareness campaign ang isasagawa ng City BFP kagaya ng “Grand Zumba” sa March 3, sa ganap na alas 5:00 ng umaga sa Provincial Sports Complex, na lalahukan ng mga BFP personnel mula sa ibat-ibang sangay sa rehiyon. Iniimbitahan ang lahat na lumahok sa gawaing ito.
Ang zumba dancing ay isa ring fund- raising project kung saan ang proceeds nito ay gagamitin para sa improvement ng serbisyo ng BFP partikular sa pagbili ng mga karagdagang kagamitan.
Ngayong Marso din nakatakdang magsagawa ng Urban Fire Olympics kung saan magsasama sama ang mga volunteer fire brigades ng mga barangay at industriya upang mahasa sa ibat-ibang fire- fighting skills at drills. Inaasahan nila ang paglahok ng mga senior high schools sa naturang gawain.
Magkakaroon din ng Junior Fire Marshall Camp sa pakikipagtuwang sa University of Batangas.
Isang exhibit naman ang makikita sa kanilang tanggapan kung saan mayroong fire and disaster prevention and simulation center. Mayroong smoke evacuation simulation corner upang malaman ang dapat gawin kapag may sunog. Tampok din dito ang ibat-ibang fire and rescue equipment.
Ito ay bukas sa publiko at tinatagubilinan naman ang mga paaralan na magpa schedule ng pagbisita dito.
Una rito ay nagdaos ng patimpalak ang BFP Batangas City para sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa elemntarya at high school noong February 26 kaugnay pa din ng Fire Prevention Month.
Nagwagi sa Drawing Contest si Aliyah Miriam Latip ng UB Elementary Department, Emenel Flores ng Regis Benedictine Academy sa Poster Making Contest, Theresa Macatangay sa Essay Writing at si Kyla Christele Palicpic sa Photo Contest, kapwa mula sa barangay Banaba West Integrated School.
Nagbigay din ng certificate of appreciation ang BFP Batangas City sa mga ahensyang tumutulong sa pagpapatupad ng kanilang mga programa.
Sa pagpasok ng tag-init kung saan gagamit ang lahat ng ibat-ibang electrical appliances na magdudulot ng paglakas ng paggamit ng kuryente, tinatagubilinan ni Sr Inspector Evangelista ang publiko na iwasan ang electrical overloading sapagkat ito ang isa sa mga pangunahing dahilan ng sunog. Iwasan din aniya ang octopus connection, i-unplug ang mga appliances na hindi ginagamit, ilayo ang mga posporo, kandila at lighter sa mga bata upang hindi mapaglaruan, “Öbserve proper housekeeping din upang maiwasang magsama sama ang mga hazardous chemicals at siguraduhing nakasarado ang tangke ng LPG kapag hindi ginagamit”sabi ni Evangelista.
Ipinabatid ni Fire Marshal ang ilulunsad na programa ng BFP National Office - ang Oplan Ligtas Kamalayan- kung saan bababa sila sa barangay upang magsagawa ng hazard mapping, magbuo ng fire auxiliary group, mag house to house survey upang ma check ang mga electrical connection, kalinisan at kaayusan ng mga bahay, mga tangke ng gasul at iba pang mahahalagang dapat tingnan para iwas sunog.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.