- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Buwan ng Kababaihan ipinagdiriwang
- Details
- Monday, 04 March 2019 - 9:37:00 AM
BATANGAS CITY-Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso, muling nagtipon tipon ang mga kababaihan sa Plaza Mabini bandang 7:00 ng umaga at lumahok sa One Billion Rising kung saan sila ay sabay sabay nagsayaw ng zumba bilang simbolo ng pagkakaisa at pagbangon sa paglaban sa anumang karahasan at pang-aabuso.
Lumahok dito ang mga city officials sa pangunguna ni Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Mariño kasama ang mga miyembro ng Kalipunan mg Liping Pilipina (KALIPI), Social Workers, CSWDO staff, Batangas City Police at ang Plaza Mabini Aerobics Club (PMAC)
Ayon kay City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola, nakapaloob sa pagdiriwang na ito ang pagtalakay sa Self and Social Enhancement at ang Violence Against Women and Children upang mabigyan ng edukasyon ang mga kababaihan kung papaano nila pangangalagaan ang kanilang karapatan at kapakanan alaban sa anumang uri ng pang-abuso at karahasan. Kailangan din nilang malaman ang mga batas na sumasakop sa kanilang karapatan.
Naging panauhin sa nasabing pagdiriwang si Emmi De Jesus, representative ng Gabriela Women’s Party.
Ayon sa kanya, ito ang pinakamainam na panahon upang bumangon ang mga kababaihan laban sa karahasan. “Sa tumitindi at palalang pang-aapi hindi lamang sa mga kababaihan kundi sa sambayanan, walang ibang direkson kundi pagbangon, pagbalikawas at pagkakaisa upang tutulan at labanan ang lahat ng porma ng pang-aapi sa kababaihan,” sabi ni De Jesus.
Bago ito, nagsimula nagkaroon na ng mga pagpupulong sa mga kababaihan sa bawat cluster ng barangay kung saan isang pagbabalik aral ukol sa Gender and Development (GAD) at mga programang pangkalusugan ng pamahalaang lungsod para sa mga kababaihan.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.