- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Barangay service point officers , katulong sa pagpapalaganap ng family planning
- Details
- Friday, 05 April 2019 - 3:38:34 PM
BATANGAS CITY-Nagdiwang ng 30th founding anniversary ang Association of Barangay Service Point Officers (BSPOs), April 4, sa Teachers Conference Center kung saan nagtanghal sila ng kani kanilang mga talento, nakisaya sa mga games at raffles taglay ang ibayong sigla sa pagtupad ng kanilang tungkuling makapagbigay ng edukasyon sa mga barangay tungkol sa family planning at adolescent health.
Sa kasalukuyan ay may 121 BSPOs na nasa pangangasiwa ng City Population and Development Office at tumatanggap ng buwanang allowance na P3,000 mula sa pamahalaang lungsod.
Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion, mas maraming responsibilidad ang nakaatang sa City Population and Develoment Office ngayon dahilan sa pagsasanib ng Population Commission sa National Economic and Development Authority (NEDA). Sa kanyang keynote speech, sinabi ni Ms. Marlyn Ogaya, asst. regional director ng Population Commission and Development, na ang Calabarzon ang may pinakamataas na populasyon sa buong Pilipinas at top 10 city ang Batangas City. Sa Batangas Province, top 2 ang Batangas City, sunod sa Lipa City.
Ipinabatid din niya na ayon sa 2017 National Demographic and Health Survey, ang average number ng mga ipinapanganak ng mga babaeng nasa reproductive age na 15-49 ay 2.7. Ang national goal aniya ay gawin itong 2.1.
Nagpalabas aniya ng Executive Order No. 12 si Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos na gawing zero ang “unmet need for modern family planning” upang mapigilan ang paglobo ng populasyon.
Pinagtutuunan din ng pansin ang pagkumbinse sa mga kalalakihan na mag practice ng family planning sapagkat sila ang mas ayaw dito kumpara sa mga kababaihan. Ito ay itinuturo sa pamamagitan ng programang Ka Tropa o Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad sa Pamilya. Binigyang diin ni Ogaya na bilang mga frontliners, kinakailangang sumailalim ng ibayong pagsasanay ang mga BSPOs upang maging epektibo silang communicators at implementers.
Sinabi naman ni Murita Cunanan, population program officer 1V, na may 47.4% ang motivated family planning acceptors. Ang nangungunang contraceptive ay pills kasunod ang contraceptive injection na depot medroxyprogesterone acetate (DMPA) na may tatlong buwang protection laban sa pagbubuntis. Ang mga contraceptives ay mahihingi ng libre sa City Health Office. Nagpapasalamat din si Cunanan sa patuloy na suporta ni Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa mga programa ng kanilang opisina.
Ang Batangas City ay may annual population growth rate na 2.47%. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.