- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Tulong para sa Sta. Clara fire victims tinalakay
- Details
- Monday, 08 April 2019 - 3:38:00 PM
BATANGAS CITY-Nagsagawa ng pagpupulong ngayong April 8 si Mayor Beverley Dimacuha sa mga department heads ng pamahalaang lungsod at ilang mga concerned government agencies hinggil sa mga pangangailangan ng mga evacuees sa sunog sa Sta. Clara noong April 6 kung saan may 100 kabahayana ang natupok ng apoy.
Bago ito ay nagbigay ng ulat and hepe ng Batangas City Bureau of Fire Protection na si Fire Marshall Elaine Evangelista kung saan sinabi niya na ang tinitingnan nilang angulo na sanhi ng sunog ay electrical connection . Ayon pa rin sa kanya, ang estimated damage to property ay humigit kumulang sa P1 milyon.
Iniulat naman ni City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola na may kabuuang 1,790 evacuees kung saan 1,025 ang nasa Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB), 189 ang nasa Livelihood Center sa Batangas Port, 546 ang nasa Barangay Hall at sa Sta. Clara Elementary School at 30 ang nasa Sitio Ibaba sa nasabing barangay.
Ayon sa kanya, higit na nangangailangan ang mga evacuees ng pagkain lalo na ng mga gulay, cooking at eating utensils, underwear, toiletries , unan, banig, at kumot. Marami na aniyang mga donasyon na damit at may tubig na available sa CLB. Ang mga donasyon ay pwedeng dalhin sa mga evacuation centers kung saan naririto ang kinatawan ng CSWDO at ng Philippine Red Cross.
Tinalakay din dito ang Resolution No. 10511 ng Commission on Elections tungkol sa mga rules and regulations upang maipatupad ang mga prohibitions sa ilalim ng Section 261 ng Omnibus Election Code kaugnay ng May 13 elections. Nakapaloob sa resolusyon ang mga prohibitions on release, disbursement or expenditure of public funds.
Ayon kay City Administrator Narciso Macarandang , kailangan ang Petition for Exception mula sa Comelec para sa relase ng public funds na gagamitin sa mga expenses na kailangan sa isang kalamidad kagaya ng naging sunog sa Sta. Clara.
Binigyang diin ni Macarandang na nakasaad sa Comelec Resolution na ang paglabag sa Resolusyon ng Comelec ay may kaparusahang pagkabilanggo . (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.