- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pagtatapon ng dumi ng baboy sa Calumpang River tinalakay
- Details
- Monday, 22 April 2019 - 9:39:00 AM
BATANGAS CITY-Nagdaos ng pagpupulong ang Batangas City Environment and Natural Resources Office (ENRO) sa mahigit 800 hog-raisers sa Batangas City kasama ang mga kinatawan ng mga hog-raisers sa pitong local government units (LGUs) sa Batangas Province noong April 16 sa Batangas City Convention Center upang talakayin ang pagtatapon ng dumi ng baboy sa Calumpang Riiver at masolusyunan ito.
Ang mga LGUs na pinanggagalingan ng dumi ng baboy sa Calumpang River ay ang Batangas City, Lipa City, Taysan, Sa Jose, Rosario, Ibaan, Cuenca at Padre Garcia
Upang magkaisa at magkatulong tulong ang mga hog-raisers ng mga LGUs na ito na matugunan ang matagal ng pagtatapon ng dumi ng baboy na isa sa mga nagdudulot na malubhang polusyon ng nasabing major river ng Batangas City, inilunsad ng City ENRO ang Calumpang River Tributaries sa pagdiriwang ng Earth Day. . Ito rin ay alinsunod sa Republic Act 9275 o Philippine Water Act of 2004.
Sa isinagawang Batangas City Swine Business Summit, sinabi ni Atty Maria Paz Luna, OIC regional executive director ng DENR, kahit ano ang dami ng baboy na inaalagaan, kailangang kumuha ng discharge permit sa DENR. Ang hindi tumupad dito ay magbabayad ng multang P10,000 bawat araw. Sinabi rin niya na kailangan magpagawa sila ng septic tank para sa tamang disposal ng dumi ng baboy.
Ayon pa rin kay Atty. Luna, kapag may 100 o mahigit pa ang alagay baboy, kailangan ng kumuha ng environmental compliance certificate at magpatayo ng treatment plant.
“Sumunod po tayo sa batas at kung di ninyo kaya, sabihin ninyo sa amin at tutulungan naming kayong maka comply,” sabi ni ni Atty. Luna. (Jeanette Reye - OJT-PIO \ Sergio Azul- OJT-PIO)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.