- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
50 lot owners tumanggap ng libreng titulo
- Details
- Tuesday, 23 April 2019 - 9:39:00 AM
BATANGAS CITY-May 50 lot owners and tumanggap ng libreng titulo mula sa pamahalaang lungsod sa pangangasiwa ng City Environment and Natural Resources Office.
Ang libreng patitulo na programa ng Department of Environment and Natural Resources ay sinimulang ipatupad ng pamahalaang lungsod noong 2014 alinsunod sa Republic Act 10023 o The Act Authorizing the Issuance of Free Patents to Residential Lands.
Ito ang ika limang batch ng beneficiaries ng programang ito kung saan lahat ng mga requirements sa pagpapatitulo ng lupa ay ang City ENRO na ang gumagawa .
Sinabi ni Mayor Beverley Dimacuha na “hindi daw madali ito, sa pinansiyal man o sa usaping l;egal kaya maganda talaga na nailunsad ang ganitong klase ng programa kaya ito ay pagsisikapan pang maipagpatuloy at mapalawak.”
Binigyang diin pa ni Mayor Dimacuha na ngayong titulado na ang mga lupa ng mga may-ari ay hindi sana ito maging dahilan ng pag-aaway ng pamilya na may kanya kanyang interes sa property.
Ipinahayag naman ng pinuno ng City ENRO na si Oliver Gonzales na naway mapakinabangang mabuti ng mga beneficiaries ang kanilang lupa na sila na ang legal na may ari at higit pa itong makatulong sa ibayong kaunlauran ng lungsod.
Ayon naman kay PENRO Officer Elmer Bascos, kung nanlalamig ang programang ito sa ibang local government units, ito ay tuloy tuloy sa Batangas City. Marami pa aniyang lot owners na walang titulo ang lupa kung kayat hinikayat niya ang mga beneficiaries na ipaalam ang programang ito sa iba upang dumami pa ang makinabang.(Jeanette Reyes – OJT PIO Batangas City
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.