- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mga gurong magsisilbi sa eleksyon inihahanda na ng Comelec
- Details
- Thursday, 25 April 2019 - 9:39:00 AM
BATANGAS CITY- Bilang pag hahanda sa darating na midterm elections sa May 13, ang Comelec Batangas City ay nagsimula na sa dalawang araw na refresher training (April24-25) sa sports coliseum ng mga guro na siyang magiging electoral board (EB), Department of Education Supervisor Official (DESO) at DESO Technical Support Staff.
Ang EB ay binubuo ng chairperson, poll clerk at isang miyebro na siyang mangangasiwa sa vote counting machine (VCM).
Sinabi ni Atty. Gretchen Dolatre, Batangas City Comelec officer, na mahalaga ang papel na gagampanan ng mga EB lalo na sa bilangan ng boto. Bawat presinto ay magkakaron ng nakatalagang EB at DESO technical staff na siyang mangangasiwa sa mga taong boboto at sa pagbilang ng mga boto.
Idinagdag pa ni Atty. Dolatre na may ilang reminders na dapat tandaan ang mga EB tulad ng paggamit ng thermal paper ng machine, transmission ng election results gamit ang Secure Dgital memory card para sa USB modem, at marking pens. Hindi na gagamitin ang marking pens na supply ng Comelec ngayong 2019 dahil sa matagal matuyo ang ink kung kayat maaari itong maging dahilan ng error ng machine. Maari lamang gamitin ang ball pen o yung may tatak na 2016 marking pen ng Comelec.
Sinabi naman ni Thelma Nayve, Meralco public relations officer, na sinisigurado ng kanilang public utility na hindi mawawalan ng kuryente sa araw ng eleksyon at kung sakaling magkaroon ng aberya sa power supply, mayroon silang nakalaang generator set na agad magagamit. Nagbigay din sila ng paalaala sa mga EB at DESO na kung sakaling mayroon silang mapansin kaugnay ng power supply, maaari aniyang ipagbigay alam kaagad ito sa kanilang tanggapan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.