- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Boy scouts tumutulong sa trapiko
- Details
- Friday, 10 May 2019 - 1:59:20 PM
Pinatunayan ng mga Boy Scouts of the Philippines-Batangas City Council na lagi silang handang tumulong sa komunidad kahit ngayong bakasyon sa eskwela sa pamamagitan ng pagiging katuwang ng Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) sa pagsasaayos ng trapiko sa P. Burgos St. na isa sa mga pangunahing lansangan sa lungsod. Ayon kay Council Scout Executive Guilbert Alea, ang gawaing ito ay ideya nina BSP Batangas City Council Chairman Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman at Council Consultant Marvey Mariño.
Sa ibang bansa aniya ay ginagawa ito ng mga batang scouts tuwing summer kung kayat sa unang pagkakataon ay isinagawa nila ito sa Batangas City. May 45 junior at senior high schools mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ang nagahahalinhinan sa pagduty tuwing Lunes, Myerkules at Byernes, mula 6:30 hanggang 9:30 ng umaga. Nagsimula ito noong May 3 at tatagal hanggang May 20. “Layunin ng gawaing ito na sa murang edad ng mga kabataan ay maimulat sila sa kahalagahan ng batas trapiko. Nagsisilbing training ground din ang scouting upang mahubog ng tama ang isang bata at maging isang responsable at disiplinadong mamamayan at lider ng bansa,"sabi ni Alea.
Ayon kay Eagle Scout Dan David Mendoza, 19 taong gulang, mula sa barangay Cuta Looban at tumatayong Corp Commander ng Emeregency Service Corp ng Batangas City, limang taon na aniya siyang scout at napakarami na niyang natutunang skills tulad ng pagbibigay ng first aid treatment na nagagamit niya sa kanilang bahay at sa komunidad. Natutuwa sila na muling naibalik ang ganitong klaseng activity sapagkat mas nakikita ng mga tao ang involvement ng mga scouts, at napaka unique ng activity na ito aniya.
Sinabi naman ni Eagle Scout Jereme Tiamsim, sobrang saya na nabigyan sila ng pagkakataon na makapag-assist sa kalsada na isang paraan ng paglilingkod sa bayan.
Sumailalim din sa pagsasanay higgil sa fire fighting techniques ang mga naturang scouts noong April 25-30 sa Bureau of Fire Protection. Panawagan ni Alea sa mga magulang na pasalihin ang kanilang mga anak sa scouting sapagkat maraming kabutihang maidudulot ito sa isang bata tulad ng pagkakaroon ng disiplina at sense of leadership. Samantala, bilang sports coordinator ng lungsod, ipinabatid din ni Alea na noong nakaraang linggo ay binuksan nila ang First Council Chairman’s Cup –Summer Basketball and Volleyball League sa Alangilan Basketball court.
Hangad nito na mabigyan ng pagkakaabalahan ngayong summer ang mga kabataan at mabawasan ang oras sa paggamit ng mga gadget. Binibigyang pansin nila ang mga high school students sapagkat ito aniya ang edad kung saan maraming kabataan ang naliligaw ng landas. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.