- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Eleksyon sa Batangas City ngayong umaga maayos at tahimik
- Details
- Friday, 10 May 2019 - 1:59:20 PM
Maayos at tahimik ang halos kalahating araw na botohan sa lungsod ng Batangas, ayon kay OIC City COMELEC Officer, Atty. Gretchen Dolatre. Aniya walang silang natanggap na ulat ng election -related complaints maliban sa ilang mga botanteng hindi makita ang pangalan sa mga voting centers/precincts na kaagad naman ay naaksyunan din ng Comelec Office.
Wala rin aniyang mga supporters at staff ang mga kandidato na naka antabay at namimigay ng mga tarheta sa mga voting centers, kung kaya’t mas maluwag at malinis ang mga polling places.
“Nagpapasalamat po ako sa ating mga kandidato sa kanilang pagsunod sa mga Comelec rulings kung saan nagtapos ang kampanya noong May 11, at sa kanilang pakikiisa para sa maayos at tahimik na halalan,” sabi ni Atty. Dolatre.
Sinabi rin niya na may mga special lane para sa mga persons with special needs kagaya ng senior citizens, may kapansanan at buntis. Ang mga ito ay maaring tulungan o asistehan ng miyembro ng electoral board o ng kanilang pamilya (4th consanguinity).
“Hinihiling ko po ang patuloy na pasensya ng mga botante, lalo na kung mahaba ang pila, mainit ang panahon, bukas po ang Comelec Office para po sa inyong mga pangangailangan”, sabi ni Atty. Dolatre
Ang Batangas City ay may 223,250 registered voters, 85 voting centers, at 276 voting precincts.
Ang canvassing ay gagawin sa Sangguniang Panlungsod kung saan maari itong mapanood ng publiko sa pamamagitan ng widescreen na ilalagay sa labas ng gusali. Inaasahang matatapos ang canvassing bukas ng umaga at maisasagawa ang proclamation ng mga mananalo.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.