- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Buong Team EBD panalo
- Details
- Friday, 17 May 2019 - 3:59:00 PM
Nakuha ng Team EBD ang boto ng mga taga Batangas City sa ginanap na midterm elections noong May 13.
Noong gabi ng eleksyon, iprinoklama sina reelected Mayor Beverley Dimacuha at Vice Mayor June Berberabe na parehong tumakbo ng walang kalaban. Sa 223, 228 registered voters sa lungsod, nakakuha ng 136,055 votes si Dimacuha habang nakakuha naman si Berberabe ng 134,529 votes.
Iprinoklama ngayong May 17 ang mga city councilors-elect sa Sangguniang Panlungsod Session Hall.
Sila ay sina Atty. Alyssa Cruz na number one councilor, Aileen Grace Montalbo, Nestor Dimacuha, Karlos Emmanjuel Buted, Gerardo de la Roca, Oliver Macatangay, Nelson Chavez, Julian Villena at mga bagong konsehal na sina Julian Pedro Pastor, Isidra Atienza, Maria Aleth Lazarte at Lorenzo Jr. Gamboa.
Ang proclamation ay ginampanan nina Batangas City Acting Comelec Officer Atty. Gretchen Dolatre kasama sina City Prosecutor Bien Patulay at si Dr. Victoria Fababier, chief, Schools Governance and Operations Division, Schools Division of Batangas City bilang Board of Canvassers sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod.
Ngayong araw ding ito ang ang proclamation ni reelected Congressman Marvey Marino ng 5th District of Batangas sa Session Hall ng Sangguniang Panlalawigan . Siya ay wala ding katunggali at nagkamit ng 132, 286 na boto.
Kaalinsabay nito ay ang proklamasyon ng reelected Board members na sina Claudette Ambida at Arthur Blanco.
Ayon kay Dolatre, nagkaroon ng delay sa bilangan sa Batangas City dahil sa defective na secure digital (SD) cards sa apat na barangay kung kayat nagpareconfigure pa sila. Ito ay nangyari sa barangay Dumantay, Haligue Silangan, Talahib Payapa, Pinamucan Proper at Gulod Itaas. Wala pa rin silang maibigay na turnout ng voters o kabuuang bilang ng mga bumoto habang sinusulat ang balitang ito.
Nagpaabot ng pasasalamat si Dolatre sa lahat ng mga ahensya na tumulong upang magkaroon ng maayos at mapayapang eleksyon sa lungsod at pinaalalahanan ang mga kumandidato na magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) hanggang ika-12 ng Hunyo.
Ayon kay Batangas City PNP Chief Sancho Celedio, naging maayos at tahimik ang naging eleksyon sa lungsod dahilan sa maagang deployment ng kanilang mga tauhan sa polling centers at “some of our leaders ran unopposed.”
(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.