- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pagbuo ng Barangay Rabies Control Committee ipinaguutos ng ordinansa
- Details
- Thursday, 16 May 2019 - 3:59:00 PM
Nasa kamay na ng Barangay Rabies Control Committee ang pagpapatupad ng Anti Rabies Ordinance kung kayat ipinaguutos ang pagbubuo ng komitibang ito sa lahat ng barangay sa layuning maging rabies-free ang Batangas City.
Kaugnay nito, nagpatawag ng pagpupulong ang Batangas City Rabies Control Council (BCRCC) sa mga barangay captain at barangay secretaries noong May 16 at 17 sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) kung saan tinalakay ang Implementing Rules and Regulations ng Ordinance Adopting ity Republic Act No. 9482 o Anti Rabies Act of 2007.
Ayon kay Asst. City Veterinarian Dr. Loyola Bagui, isinasaad ng inamyendahang ordinansa ang pagbubuo ng mga Barangay Rabies Control Committee (BRCC) na pinamumunuan ng barangay captain bilang chairman at ng school principal o barangay chairperson ng Committee on Agriculture and Veterinary o Committee on Health bilang vice chairman na syang magpapatupad at magmo monitor ng lahat ng rabies prevention and control activities sa barangay kagaya ng registration ng aso, pagbabakuna kontra rabies, at education/information drive.
Tungkulin din ng BRCC na magpatupad ng pagtatali ng aso o pananatili ng aso sa loob ng bakuran ng bahay upang huwag itong makagala. Dahil dito, kailangang magkaroon ng dog pound ang barangay upang pagdalhan ng mga asong ligaw sa halip na dalhin pa ito sa city pound sa OCVAS.
Sinabi ni Bagui na naniniwala ang council na mahalaga ang papel na gagampanan ng barangay sa pagpapatupad ng ordinansa na naglalayong mapalakas ang kampanyang maging rabies-free ang lungsod sa taong 2024.
Compulsory ang registration ng lahat ng aso sa barangay kung saan ang BRCC ang kokolekta ng registration fee na P20.00. Ang rehistradong aso ay bibigyan ng Dog Registration Tag na ilalagay sa dog collar at dapat gamitin ng aso habang nasa mga pampublikong lugar upang madaling ma identify na ito ay rehistrado.
Ayon pa rin sa nasabing ordinansa, kinakailangang magsagawa ng Search for Best Barangay in Rabies Control. Ito ay uumpisahan sa Setyembre sa paggunita ng World Rabies day habang ang awarding ay gaganapin sa Marso sa paggunita naman ng National Rabies Day.
Sa isang maikling programa, nagbigay ng opening remarks sa pangunguna ng vice chairman nito na si Dr. Macario Hornilla sa Office of the City Veterinary ang Agricultural Services(OCVAS). Tinalakay naman ni Dr Flor Abe kung ano ang rabis at kung paano maiiwasan ito habang nagbigay ng impormasyon hinggil sa dog population at vaccination si Dr Chito Sawali. Sa kasalukuyan, may 17,000 aso sa lungsod.
Binigyang diin ni Bagui na maging responsable ang mga dog owner. Dapat siguraduhin aniya na nakatali o nakakulong ang aso sa isang pen upang huwag itong makagala at makakagat ng tao.
Mahalaga aniyang mabakunahan aniya ng anti rabies vaccination ang mga alagang aso.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.