- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Associations at Enumerators ng OCVAS, tumanggap ng honorarium
- Details
- Wednesday, 29 May 2019 - 4:31:00 AM
Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha ang pamamahagi ng honorarium sa mga enumerators at mga kasapi ng iba’t ibang samahan na katuwang at nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services sa implementasyon ng kanilang mga programa. Ang honorarium distribution ay ginanap kaninang umaga, May 30, sa nabanggit na tanggapan.
Kabilang dito ay ang 36 na miyembro ng Barangay Livestock and Agricultural Technician (BLATS) na tumanggap ng tig P9,000.00 para sa buwan ng Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan.
Ang BLATS ang katulong ng OCVAS sa pagbabakuna ng mga baboy, baka at iba pang alagang hayop sa mga barangay. Sumailalim sila pagsasanay ng mga tauhan ng Livestock Division para sa gawaing ito.
Ayon kay Enrique Divinaflor, BLATS mula sa barangay Paharang Kanluran, malaking tulong sa kanilang pinansyal na pangangailangan ang tinatanggap na honorarium. Natutugunan aniya nito ang ilang gastusin ng pamilya.
Nagpapasalamat naman si Rowena del Valle na isa 92 na enumerators na tumanggap ng P2,500 honorarium na aniya ay magagamit na pambili ng gamit sa eskwelahan ng kanilang mga anak.
Ang mga enumerators naman ang nagsagawa ng agricultural survey noong Agosto hanggang Setyembre 2018 sa ibat-ibang barangay para sa agricultural profile. Ito ang isa sa mga magiging batayan ng OCVAS para sa mga plano at programang pang-agrikultura ng lungsod.
Tumanggap din ng tig P9,000.00 para sa tatlong buwang honorarium ang 63 kasapi ng Bantay Dagat. Ang mga ito naman ang nangangalaga ng karagatan sa pamamagitan ng regular monitoring upang matiyak na walang illegal activities dito at regular din silang nagsasagawa ng coastal clean-up.
Kabilang din sa nakakuha ng honorarium ang mga officers ng iba pang samahan.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Hepe ng OCVAS na si Dr. Mac Hornilla sa suporta ng naturang mga samahan sa kanilang mga proyekto at programa. Humingi siya ng paumanhin sa pagkaantala ng distribution ng honorarium dahil inabot ito aniya ng election ban.
Hangad naman ni Mayor Beverley Dimacuha na makatulong ang halagang ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod upang matustusan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya, partikular sa pambili ng gamit sa eskwelahan ng mga anak ngayong malapit na ang pasukan. Nagpasalamat rin siya sa tulong ng mga ito para mabilis na maihatid ang serbisyo ng OCVAS sa malalayong barangay at higit na maging epektibo ang mga programang pang agrikultura ng lokal na pamahalaan.
(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.