- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Tradisyunal na Santacruzan, pinananatiling buhay sa Batangas City
- Details
- Monday, 03 June 2019 - 4:31:00 AM
Sa pagtataguyod ng Basilica ng Immakulada Concepcion at sa pakikipagtulungan ng Cofradia de la Inmaculada Concepcion ay muling isinagawa sa lungsod ng Batangas ang tradisyunal na Santacruzan bilang pagtatapos ng 31 araw na Flores de Mayo na idinaos sa Basilica.
Nakiisa sa Flores de Mayo ang mga religious groups at iba’t ibang barangay na nasasakop ng parokya. Sila ay may kani-kanilang araw ng turno kung saan turno nina Mayor Beverley Dimacuha at mga taga City Hall ay noong May 30.
Ipinakita sa tradisyunal na Santacruzan ang mga sagala sa kanilang kasuotan at mga kagamitang ayon sa nakasaad sa bibliya. Kabilang dito sina Methusalem na pinakamatandang tao, may balbas at nakayukod; Reyna Fe na sumisimbolo sa birtud ng pananampalataya at may dalang krus; Reyna Justicia na siyang personipikasyon ng “salamin ng katarungan,” at may dalang timbangan at espada; Reyna Judith na naging tagapagligtas ng kanyang syudad laban sa mga Assyrian matapos pugutan ng ulo ang mga malulupit na holofem at dala dala ang pugot na ulo; Reyna Elena na siyang bantog na personang nakahanap ng tunay na krus.
May dala siyang maliit na krus at konsorte ang anak na si Constatino; at Reyna Flores o Queen of Flowers na sumisimbolo sa mga bulaklak na iniaalay sa Birheng Maria bilang pagsamba at debosyon sa Kanya.
Naging huling kaganapan sa relihiyosong tradisyong ito ang pag-aalay ng bulaklak ng mga sagala kay birheng Maria at ang pag-awit ng Salve Regina na pinangunahan ng Kura Paroko ng Basilica Immaculada Concepcion, Rev. Fr. Odong Dimaapi at pagbenbendisyun sa mga Santong kasama sa pursisyon at mga deboto ng birhen. (marie v.lualhati)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.