- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
EBD scholar cum laude ng Ateneo
- Details
- Monday, 03 June 2019 - 4:33:00 AM
Iprinesenta ng EBD scholar na si Jelmer Jon Ochoa kay Mayor Beverley Dimacuha ang diploma at medalyang kanyang natanggap bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Management Engineering sa Ateneo de Manila University bilang pasasalamat sa suporta at tulong pinansyal na ipinagkaloob ng Punonglungsod sa kanyang apat na taong pag-aaral sa nabanggit na paaralan.
Si Ochoa ay nagtapos bilang valedictorian noong elementarya sa Libjo Elementary School at high school sa Saint Bridget College (SBC) kung kaya’t siya ay otomatikong naging EBD scholar. Siya ay pangatlo sa pitong magkakapatid na anak nina Ronnie na isang janitor sa SBC at Gennalyn (deceased) Ochoa ng barangay Dumantay.
Ayon kay Ochoa hindi naging madali ang kanyang apat na taong pag-aaral sa kabila ng mga scholarship grants na kanyang natanggap. Malaki aniyang tulong sa pang-araw araw na gastusin tulad ng pagkain, pambili ng gamit sa eskwelahan, pamasahe para sa mga gawain sa labas ng unibersidad at iba pa ang EBD scholarship allowance na kanyang tinatanggap sa bawat semester.
Nagtutor din siya sa mga kasama sa organization at kapwa estudyante para kumita ng pandagdag sa baon. Hindi aniya sapat ang kinikita ng ama para matustusan ang kanyang pag-aaral.
Bukod sa EBD scholarship program, nabigyan din siya ng Director’s List scholarship dahil kabilang siya sa top 200 na may pinakamataas na passing score sa entrance exam ng Ateneo, naging John Gokongwei scholar at full dorm scholar kung kaya’t libre ang kanyang naging tirahan.
Ayon kay Ochoa magiging inspirasyon niya ang mga naging tulong ng pamahalaang lungsod at Mayor Dimacuha para patuloy na magsikap upang umunlad, makatulong sa kanyang pamilya at maging mabuting mamamayan ng lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.