Batangas City, Kariktan @ 50

  1.jpg

Ipagdiriwang ng Batangas City ang ika 50 anibersaryo nito sa July 23 sa temang “Batangas City, Kariktan @ 50” – Batangas City: At Its Best @ 50..

Bukod sa Sublian Festival, magkakaloob ang pamahalaang lungsod ng Gawad Gintong Duyan para sa 50 Batangenyong nagbigay dangal sa lungsod sa 50 taong nakalipas. Ang awarding ay gaganapin sa July16 bandang 2:00 ng hapon sa Batangas City Convention Center.

Sa July 23 din ipapakilala sa publiko si Ms Batangas City Foundation Day 2019 na si Bb. Zharyne Amorado Santos pagkatapos ng ang Pagpupugay sa Watawat at Pag-aalay ng Bulaklak sa Plaza Mabini na pangungunahan ni Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Mariño.

Kaagad itong susundan ng Panalanging Pampagkakaisa at Pangkapayapaan at Misa Pasasalamat sa Basilica of the Immaculate Conception.

Sa umaga itatampok ang street dancing na magmumula sa kapitolyo ng lalawigan, dadaan sa national highway at diretso sa patio ng Basilica.

Sa hapon naman ang court dancing competition sa Batangas City Sports Coliseum at ang paggagawad ng mga karangalan sa mga nagwagi dito, gayundin sa streetdancing at sa float parade.

Sa July 22 nakatakdang isagawa ang Sublian competition sa Batangas City Sports Coliseum sa ganap na ika-isa ng hapon at sa ala-sais ng gabi naman ang paghahatid sa mga Mahal na Poong Sto Nino at Sta Cruz sa Basilica.

Sa ika-19 ng Hulyo ang Tanduay-Araw ng Kabataan kung saan may Palaro (Student’s Fair) at Meet and Greet sa Track Oval sa ika-walo ng umaga habang magtatagisan ng galing ang mga kabataan sa Pakitang Gilas sa Makabagong Sayaw sa Batangas City Convention Center.

Bago ito ay may band concert sa track oval sa ganap na alas tres ng hapon na tatampukan ng sikat na banda sa music industry na Agsunta.

Sa July 18 ang Patimpalak Parangal kay Apolinario Mabini sa BCCC. Paligsahan sa mga awiting likhang Batangueno sa umaga habang mga sayaw na katutubo sa Batangas naman sa hapon.

May zumba sa Plaza Mabini sa umaga para sa mga mahihilig mag exercise.

Sa July 14 naman ang Takbo para sa Kalusugan (Marathon for Wellness).

Magdadaos ng Harana sa Pastor Ancestral House para kay Ms Foundation Day 2019 sa ika-7 ng Hulyo.

Sa July 5 isasagawa ang Papuon ng Lungsod ng Batangas City Sports Coliseum na kinabibilangan ng Salubong sa mga Mahal na Patron, Te Deum Rosario Cantada, Lua at Dalit at Papuri sa Diyos.

Sa July 4 ang Pista ng Kalikasan kung saan ibat-ibang gawain ang inihanda ng City Environment Office. Ito ay ang Sama samang Pagkilos, Linis Batangas, Luntiang Lungsod kung saan magtutulong tulong ang lahat sa paglilinis ng lansangan, paaralan, gusaling pangkalakalan at mga pagawaan.

Mula July 13-23 ang Haying Batangan sa Plaza Mabini kung saan tampok ang mga Batangas delicacies.

Sa ika-27 ng Hulyo ay ang Trabaho para sa Batangenyo sa Batangas City Sports Coliseum sa ganap na alas otso ng umaga. (PIO Batangas City)