- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Hog at poultry raisers, tinutulungang makasunod sa environmental laws
- Details
- Thursday, 13 June 2019 - 4:33:00 AM
May 53 livestock raisers ng barangay Sorosoro Ilaya, Batangas City ang sumailalim sa Livestock Operation Coaching ng City Environment and Natural Resources Office sa Sovereign Shepherd School of Values and Learning Campus 2 upang makasunod sila sa environmental laws.
Ang mga hog raisers na ito ay binigyan ng notices ng DENR kamakailan dahilan sa pagdaloy ng dumi ng baboy sa Calumpang River at nagdudulot ng polusyon sa ilog na ito.
Ayon sa hepe ng City ENRO na si Oliver Gonzales, layunin ng gawaing ito na tinaguriang E-Compliance Shop na makapagbigay ng extension support assistance sa mga nag-aalaga ng baboy at manok upang makakuha sila ng certificate of non-coverage (CNC). Inaasahan din aniya na isa ito sa magiging best practices ng lungsod.
Ang CNC ay dokumentong iniisyu ng DENR kung saan sinasabi na ang proposed project ay hindi covered ng Philippine Environmental Impact Assessment System kung kayat ang proponent ay hindi required na kumuha ng Environmental Compliance Certificate o ECC bago simulan ang operasyon.
Ang mga livestock raisers na may alagang baboy na 100 pababa at alagang 10,000 manok pababa lamang ang maaaring kumuha nito. Kapag mas marami dito, kailangan nang kumuha ng ECC.
Upang hindi maapektuhan ang kabuhayan ng mga naghahayupang ito, inatasan ni Mayor Beverley Dimacuha ang CENRO na tulungan ang mga ito na makasunod sa regulasyon ng DENR.
Pagkatapos makakuha ng CNC sa pamamagitan ng online application, babayaran nila ito sa halagang P 1,100 sa Landbank. Ang CNC ay requirement upang makakuha ng discharge permit na isang one-time application.
Sa pakikipagtuwang ng CENRO sa SIDC at Sovereign Shepherd, nakapagset up ng online application para sa mga livestock raisers.
Ayon kay Romiseth Perez ng EMB- PENRO Batangas, natutuwa sila na may ganitong klaseng proyekto ang Batangas City na malaki ang maitutulong upang makapag comply ang mga small operators.
Si Cresenciano Malaluan, 68 taong gulang at 30 taon nang nagbababuyan ay nagpaabot ng pasasalamat sa proyektong ito ng pamahalaaang lungsod na malaki aniya ang maiutulong sa mga tulad niyang matanda na at hindi marunong sa digital technology.
Lubos din ang kagalakan ni Pangulong Bobet Cultura na marami sa kanyang mga ka barangay ang makikinabang dahil ito aniya ang kinagisnan nang pinagkakakitaan ng mga residente dito.
Nakatakdang isagawa ang kagaya ring online application sa barangay Sorosoro Ibaba, Tingga at iba pang barangay na maraming naghahayupan.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.