- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
MPBL 3rd season binuksan na
- Details
- Thursday, 13 June 2019 - 4:33:00 AM
Pormal ng binuksan ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 3rd season sa Mall of Asia Arena , kahapon, June 12, kung saan may 31 teams ang magtatagisan ng galing.
Nagpasalamat ang CEO at founder ng MPBL na si Senator Manny Pacquiao sa mga dumalo sa opening program at sa patuloy na suporta ng mga fans at mga pamahalaang lokal sa liga. Sa loob lamang aniya ng mahigit isang taon ay patuloy na dumadami at lumalaki ang MPBL na nagsimula sa 10 koponan noong unang season at 26 teams noong season 2. Puno rin ang mga venues na pinagdarausan ng basketball games, patunay aniya ito na ang MPBL ang liga ng bawat Pilipino.
Pinangunahan ng mga team owners at managers ang presentation sa bawat team kasama ang kanilang muse na karamihan ay mga beauty titlists at mga kilalang artista tulad ni Nadine Lustre na muse ng MPBL 2nd season champion, ang San Juan Knights.
Hindi nagpahuli ang koponan ng Batangas City Tanduay Athletics na pinangunahan nina team managers Gerry Tee, ABC Pres. Dondon Dimacuha at Guilbert Alea. Muse nito si Bb. Lungsod ng Batangas 2019 Jeanette Reyes na ang mga escorts ay sina team captain Lester Alvarez at actor Derek Rampsey.
Si Ramsey na dati nang naglaro sa Philippine Basketball League (PBL) ay isa sa mga bagong players ng Batangas City Tanduay. Ilan pa sa mga bagong players ng koponan sina 2013 NCAA MVP at De La Salle University forward, Prince Rivero, University of the East (UE) forward, Ralf Olivares, Far Eastern University (FEU) swingman, Arvin Tolentino at iba pa. Head coach ng team ngayon si former NU Bullpups head coach, Goldwyn Monteverde.
Mapapanood ang unang laro ng Batangas City Tanduay Athletics laban sa Muntinlupa Cagers sa June 15 sa Batangas City Sports Coliseum. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.