- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Malawak na evacuation area sa paaralan mahalaga sa paghahanda sa lindol
- Details
- Friday, 21 June 2019 - 4:35:00 AM
BATANGAS CITY- Kailangan ng isang malawak na evacuation center sa isang paarlan bilang bahagi ng paghahanda sa lindol.
Ito ang kailangan ng Soro-soro Elementary School na lumahok sa unang pagkakataon sa second quarter simultaneous national earthquake drill, June 20, na pinamahalaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO). Isa ito sa binigyan ng pansin ng binuong evaluation team matapos ang drill.
Pagtunog ng siren bandang 2:00 ng hapon, nag duck, cover and hold ang may 956 na estudyante at pagkatapos ng isang minuto ay maayos ng lumabas ng kanilang mga kwarto, lumiban ng kalsada patungo sa evacuation area na nasa isang open space.
Nakita rin sa evaluation na bagamat may incident command system, walang naitayong command post, rescue team at medical team ang paaralan.
Sinabi ni Gng. Maricel Chavez, principal ng SSES, na bagamat hindi nila na perfect ang naturang drill, handa silang tumanggap ng mga suggestions at recommendations ng mga evaluators , “sa ganitong paraan, mas madadagdagan ang aming kaalaman at kasanayan na magampanan ang aming tungkuling makapgligtas ng buhay sa panahon ng kalamidad, Palagian din naming gagawin ang ganitong drill upang maihanda rin namin ang mga tao at komunidad kung paanong tutugon sa sitwasyon at mabawasan ang pag papanic,” dagdag pa ng principal.
Para naman kay Ma. Cristina Coliyat, chairman ng DRRMC ng nasabing paaralan, “magandang magkaroon ng ganitong drill dahil maraming estudyante na nag papanic agad at hindi sanay sa ganitong mga sitwasyon kaya mainam ang may alam at kasanayan.”
Samantala kasabay na nagsagawa din ng earthquake drill ang Pedro S. Tolentino National High School sa Ilijan, Philhealth Batangas City at Batangas City Hall. PIO Batangas City
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.