- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Improvement sa earthquake drill ipinakita ng SM City Batangas
- Details
- Friday, 21 June 2019 - 4:40:00 AM
Para sa SM City Batangas practice makes perfect kung kayat sa kanilang paglahok sa second quarter simultaneous national earthquake drill, June 20, may mga improvements silang ginawa upang mapalakas ang kanilang kahandaan sa lindol.
Sunod sunod na lumabas ng maayos ang may 796 na empleyado, tenants at customers nang tumunog na ang sirena bandang 2:00 ng hapon, hudyat ng simula ng drill.
Nagsilbing evacuation center ang annex parking lot malapit sa Simbahan ng Holy Trinity.
Ayon kay SM City Batangas Mall manager Gemina Buenaflor na palagiang tumatayong incident commander, isa sa mga pagbabagong kanilang isinagawa sa naturang drill ay ang pagkakaroon ng deputized incident commander upang mabigyan aniya ng pagkakataon at kasanayan ang iba na mamuno sa drill. Itinalaga nila ang kanilang building administration officer na si Stephen Cua sa nabanggit na posisyon.
Ayon kay Cua , naging mas mabilis at maayos ang evacuation na naisagawa nila sa loob lamang ng limang minuto. Dahilan sa sanay na sila kaya alam na nila ang kanilang mga dapat gawin.
Sinabi naman ni Christian Libao, tumayong deputized on-site commander, na mas maraming lumahok sa drill at mas organisado. Bilang isang stratehiya, mas pag-aaralan pa nila ang pag-utilize sa parking area bilang evacuation center.
Sa kanilang evaluation, pinuri ng kinatawan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na si Julius Malantic ang ipinakitang kahandaan ng pamunuan ng SM City Batangas. Natugunan aniya ng pamunuan ng mall ang kanilang mga komento ng nakaraang earthquake drill. Mayroong public address system kung saan ipinababatid sa lahat ang pagsasagawa ng drill kung kayat nakita sa mga customers nito ang awareness at pakikiisa. Malakas din aniya ang alarm na maririnig sa bawat sulok ng mall.
Payo niya na sa susunod na drill ay mabigyang diin ang tamang paraan ng duck, cover and hold position habang lumilindol at sa paglikas patungo sa evacuation center.
Hiniling din niya na magkaroon ng first aid kit ang mga tenants na magagamit sa mga emergency situation.
Kailangan din aniyang maiprioritize ang mga nabibilang sa vulnerable sector ng komunidad tulad ng persons with disabilities, buntis at senior citizens.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.