- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Gulay at prutas inani sa Harvest Festival sa Pinamucan Ibaba
- Details
- Thursday, 27 June 2019 - 11:07:00 AM
BATANGAS CITY-Nagbunga na ang 14 ng linggong pagtatanim ng gulay at prutas ng 99 na beneficiaries ng Kabalikat sa Kabuhayan Rural Farmers Training Proram na itinaguyod ng SM Foundation ng inani nila ang kanilang produkto sa ginanap na Harvest Festival sa barangay Pinamucan Ibaba, June 27.
Dumalo sina Mayor Beverley Rose Dimacuha at SM City Batangas Mall Manager Mina Buenaflor sa Harvest Festival kung saan natuwa sila sa mga inaning gulay at prutas kagaya ng pakwan at honey dew na pwede pala anilang tumubo sa mainit na lugar kagaya ng Batangas City. Nakiisa rin dito si Pangulong Ruel Arce ng nasabing barangay
Ang iba pang inani ay talong, upo, patola, pipino, ampalaya, sili, okra, at sitaw na itinanim ng mga magsasaka sa 5,000 sq. m –lot sa nasabing barangay. Ang nasabing lote ay ipinagamit ng may ari upang mapakinabangan ito sa halip na nakatiwangwang lamang.
Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng Livelihood and Outreach Program ng SM Foundation sa layuning matulungan ang mga marginalized community farmers ng lungsod na magkaroon ng karagdagang kita.
Kabilang sa mga nagsanay ang mga piling miyembro ng Kalipi na samahan ng mga kababaihan, beneficiaries ng 4 P’s, at residente ng barangay Pinamucan na nag sasanay ng 14 linggo tuwing araw ng Biyernes simula noong March 29 ng taong ito.
Bilang suporta sa mga beneficiaries, binigyan sila ng transportation allowance ni Mayor Dimacuha.
Sinabi ni Mayor Dimacuha na “bagamat ang lungsod ay isang industrial city hindi natin pwedeng pabayaan ang ating agriculture at food security.” Binanggit din niya ang kawalang interes ng maraming kabataan sa pagsasaka. Anya, mismong ang kanilang magulang magsasaka ang nagbabawal sa kanilang sumunod sa kanlang tapak at sa halip ay mag-aral na lamang. “Napaka importante po ang marunong mag tanim para na rin mayroon tayong kakainin sa ating mga hapag kainan,” dagdag pa ng Mayor.
Binigyang diin naman ni Mina Buenaflor mall manager ng SM Batangas na kailangan pang dumami ang ani ng mga beneficiaries upang maipagbili ang kanilang produkto sa SM supermarket kung kayat hangad niya na maging sustainable ang proyektong ito.
Ayon kay Victor Malibiran, presidente ng Batangas City Vegetable Growers Association, marami silang natutunan sa pagsasanay na ito lalo na sa makabagong teknolohiya sa pag tatanim. “Kaming mga magsasaka ay magkakaroon na ng alternibong maitatanim na may mas mataas na de kalidad na gulay o prutas sa kabila ng kinakaharap na pabago bagong panahon,” sabi ni Malibiran
Kasunod ng Harvest Festival ay ang cooking contest kung saan apat na grupo ang lumahok. Criteria ng nasabing contest ang pagluto ng isang putahe gamit ang kanilang na ani. Ang nanalo ay ang group 4, kung saan ang entry nila ay vegetable mix with alamang na siyang nagustuhan ng mga hurado.
Humanga naman si Dr. Macario Hornilla, hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) sa magandang kalidad ng aning gulay at prutas ng mga magsasaka. “Sobrang na amaze ako dahil ngayon ko lang nalaman na marami palang pananim ang tumutubo sa lupa dito sa Batangas tulad na lamang ng honey dew at pakwan na karaniwang tumutubo sa parteng norte dahil sa magandang klema doon. Hinikayat niya ang mga magsasaka na iaplay ang mga natutunan sa pagsasanay sa kani-kanilang bukid at maging sa mga bakuran dahil libre naman ipamamahagi ng OCVAS ang mga seedlings.
Tumanggap ng sertipiko ng pagtatapos ang 99 na nagsanay sa Events Center SM Batangas City. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.