- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Three- termer city councilors pinarangalan
- Details
- Tuesday, 25 June 2019 - 11:07:10 AM
Ginawaran ng certificate of recognition ang mga three-termer councilors ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas sa isinagawang term- end regular session, June 24.
Sila ay sina Konsehal Sergie Rex Atienza, Kon. Hamilton Blanco at Kon. Armando Lazarte na naglingkod sa konseho sa loob ng siyam na taon.
Nagbigay ng testimonials at mensahe ng pasasalamat ang kanilang mga kapwa konsehal, mga kapamilya at staff. Nagpasalamat sila sa pagkakaibigang nabuo at binati ang tinaguriang “big three” sa de kalidad na serbisyo at paglilingkod na ginugol nila sa Sangguniang Panglungsod.
Sinabi ni Vice-Mayor Jun Berberabe na bagamat nagkaroon ng salungat na paniniwala sa mga resolusyon at ordinansang kanilang isinulong, nadevelop ang magandang samahan at nakapag-akda ng magagandang batas, nakapagbigay ng mahusay na performance at pangangasiwa ng konseho ang mga ito na syang naging susi upang tanghalin ang Sanguniang Panglungsod na National Winner sa 2018 Local Legislative Award, Component Cities Category kamakailan.
Ilan sa mga iniakdang ordinansa ni Atienza ay para sa Bantay Dagat, Child Welfare Code, Anti-Rabies ordinance at iba pa. “Nagsagawa din ako ng investigation in aid of legislation para sa mga maralitang mangingisda kung saan naipanalo natin ang kaso laban sa isang dambuhalang kapitalista,” sabi ni Atienza.
Kinilala din si Konsehal Serge bilang natatanging konsehal na nakakuha ng perfect attendance sa loob ng tatlong termino
Persistence with humility at ang pagiging goal- oriented ang ilan sa kanyang mga natutunan sa pagpasok sa larangan ng pulitika.
Plano niya na mag-aral ng Masters in Public Administration at magturo sa kolehiyo sa Batangas State University.
Ayon kay Lazarte, naging adbokasiya niya na labanan ang ipinagbabawal na gamot kung kayat ang paborito niyang ordinansa ay ang pagkakaroon ng Anti Drug Abuse Council at ang drug free –Batangas City. Nakapalob dito ang random drug testing ng mga empleyado upang maiwasan at masugpo ang drug addiction sa workplace.
Isinulong din niya ang healthy lifestyle sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng zumba dancing sa mga barangay.
“Mas lumawak ang aking pananaw at mas nalaman ko ang tunay na kalagayan ng mga kababayan natin sa ibat-ibang sektor ng lipunan sa aking siyam na taon ng panunungkulan. Ipinagmamalaki ko din na hndi ako nasangkot sa anumang anomaly sa buong panahong nabanggit,” dagdag pa ni Lazarte.
Gugugulin niya sa pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang kanyang oras pagbaba niya sa pwesto at siya din ang magsisilbing adviser ng kanyang kabiyak na si Councilor-elect Aleth Lazarte.
Katuwang ni Atienza sa pagbuo ng Child Welfare Code si Kon. Hamilton Blanco na isinulong din ang Batangas City Bikeway Council (BCBC).
Aniya, bilang isang siklista, nakikita niya ang kahalagahan ng pagbibisikleta bilang isang exercise at mode of transportation kung kayat inakda niya ang pagkakaroon ng bicycle rack o paradahan sa poblacion partikular sa simbahan, palengke, plaza at mga estblisyimento.
“Hindi ko inakala na papasok ako sa pulitika at lubos ang pasasalamat ko na nagtagal ako sa larangang ito. Natuto akong makisalamuha at humarap sa mga tao at maging totoo,” sabi ni Hamilton.
Magcoconcentrate si Blanco sa kanyang pamilya parikular sa pag-aalaga sa kanyang limang buwang sanggol at nangako na muling babalik sa serbisyo publiko sa susunod na eleksyon. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.