National Resilience Month ngayong Hulyo

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

“Kahandaan sa sakuna’t peligro para sa tuloy tuloy na pag-asenso”.

Ito ang tema ng National Resilience Month ngayong Hulyo na simula na ng panahon ng tag-ulan at bagyo.

Bilang kick-off activity, nagkaroon ng motorcade, July 1, kung saan lumahok ang iba’t ibang government agencies at private sector representatives kagaya ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Bureau of Fire Protection, Batangas City Police, Philippine Coast Guard, Philippine Red Cross, Pilipinas Shell Foundation, Meralco, Dep Ed, Philhealth, Batangas Medical Center, Golden Gate General Hospital, Jesus of Nazareth Hospital, United Doctors of St. Camillus de Lellis Hospital, St. Patrick's Hospital, Pilipinas Shell Foundation, KEPCO, Total Bulk Corp., San Miguel Food Corp., City Social Welfare and Development Office, Defense and Security Services, Public Information Office, City Health Office, Office of the City Veterinary and Agricultural Services at mga BDRRMCs ng poblacion at Solid East barangays.

Ayon kay CDRRMO chief Rod dela Roca, patuloy ang pagsasagawa ng kanilang tanggapan ng capability development at prevention and mitigation activities tulad ng pagsasaayos o rehabilitasyon ng mga drainage, declogging at clearing ng daanan ng tubig at trimming ng mga puno upang maiwasan ang pagbaha at aksidente.

Ang araw ding ito ang simula ng Basic Life Support (BLS) Training para sa mga Barangay DRRMO. Limang grupo ang sasailalim sa dalawang araw na libreng pagsasanay na pangangasiwaan ng mga tauhan ng CDRRMO. Bukod sa lecture, magkakaroon ng demonstration para sa pagbibigay ng cardiopulmonary resuscitation, automated external defibrillator, respiratory arrest and rescue breathing at foreign body airway obstruction.

“Ipinagmamalaki ko na ang mga BDRRMO ng lungsod ang kauna-unahang organized group sa CALABARZON,” sabi ni dela Roca.

Bukod sa Basic Life Support Training, magsasagawa din ang CDRRMC ng Simulation Exercise on Mass Casualty Incident (Vehicular Accident), Staff and Command Post Exercises, Orientation regarding the Protocols in responding to Crime-related Incidents at Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation (DRR-CCA) Seminar for the BDRRMOs.

Sa katapusan din ng buwan isasagawa ang culminating activity ng 180 elementary students na sumailalim sa Basic Swimming and Water Survival Training Course for the Children and the Youth na isinagawa noong summer.

Sa bahagi naman ng disaster management and preparedness program, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay sila ng Hostage Negotiation Course para sa mga kapulisan ng lungsod na may matataas na ranggo. Ito ay ginanap sa Teachers Conference Center noong June 3-11. Ito ay sa ilalim ng crisis management activity na naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga tauhan ng Batangas City PNP kung sakaling mangyari ang nabanggit na sitwasyon. (PIO Batangas City)