- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Outstanding child development centers sa kahandaan sa kalamidad kinilala
- Details
- Tuesday, 02 July 2019 - 11:18:00 AM
Pinatunayan ng tatlong child development centers sa Batangas City na kailangang bata pa ay maitanim na sa kanilang isip ang kaalaman sa disaster risk reduction and management.
Dahilan sa kanilang masigasig at mahusay na pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa disaster risk reduction and management, tinanghal na Best Early Learning Center ang Sorosoro Ibaba Child Development Center (CDC) sa Provincial Gawad Kalasag awarding ceremony , July 1, sa Bulwagang Batangan.
Ayon kay Marilou Barte, child development worker ng nasabing CDC at siyang tumanggap ng award mula kay Gov. Hermilando Mandanas, patuloy nilang pinalalakas ang pagbibigay ng kaalaman sa mga bata hinggil sa paghahanda sa kalamidad kagaya ng pagkakaroon ng earthquake drill at iba pa sa tulong at suporta ng pamahalaang lungsod at ng barangay.
Kasama ni Barte si Social Welfare Officer III Daisy Garcia na syang kinatawan ni City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola.
Ang awarding ceremonies ay isinagawa sa joint Full Council Meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial School Board (PSB).
Ang Gawad KALASAG ay pinakamataas na pagkilala na iginagawad sa isang tao, grupo, samahan, mga institusyon at LGUs na nakapagsagawa ng natatanging kontribusyon sa disaster risk reduction and management at humanitarian assistance sa bansa. Ang KALASAG ay tumatayo sa Kalamidad at Sakuna Labanan,, sariling Galing ang Kaligtasan.
Pumangalawa ang St Michael CDC sa barangay Ilijan at nanalo naman ng ikatlong pwesto ang San Jose Sico CDC. Kapwa sila tumanggap ng plake para sa naturang parangal.
Kaugnay nito, nanalo din ng unang pwesto ang Batangas Medical Center sa Best Hospital category at ang Batangas State University bilang Best Higher Education Institution. Second place winner naman ang Natalia V. Ramos Memorial NHS sa Best Secondary School.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.