- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Legislative agenda ng SP inilahad sa kanilang inaugural session
- Details
- Wednesday, 03 July 2019 - 11:18:00 AM
Sa pangunguna ni Vice Mayor Jun Berberabe, inilahad ng Sangguniang Panglungsod (SP) ang kanilang magiging legislative agenda at mga adhikain sa loob ng tatlong taon ng kanilang panunungkulan sa kanilang inaugural session, July 2, sa Sangguniang Panlungsod Session Hall. Sinimulan ni Vice Mayor Berberabe ang kanyang talumpati sa sinasabi ng Bibliya sa Proverbs 16:30, “Commit your work to the Lord, and your plans will be established”.
Ayon sa kanya, unang tututukan ng konseho ang pagbalangkas ng mga batas at kautusan upang suportahan ang mga priority projects at programs ng pamahalaang lungsod kung kayat ipinangako nito ang buong suporta sa planong pagpapalawak sa EBD scholarship program, EBD Healthcard, programa sa sports development, tourism at housing projects.
“Sisiguraduhin din ng kapulungang ito na ang lahat ng batas at kautusan sa Lungsod ng Batangas ay napapanahon at sumasang ayon sa pangkasalukuyang umiiral na batas, aamyendahan kung kinakailangan at magbabalangkas ng bago kung syang nararapat” sabi ng Vice Mayor.
Magpapatuloy din aniya ang legislative inquiry at pag-iibayuhin ang paglaban sa kurapsyon, red tape at magbabantay laban sa mga transaksyong hindi makakabuti sa interes ng taumbayan.
“Let us make sure that no grievances will go unheard of,” sabi ni Berberabe.
Maglulunsad din sila ng mobile SP upang personal na kumonsulta at makinig sa hinaing ng mga mamamayan. Magkakaroon ng official website para sa transparency.
Sa kanyang huling termino, magsasagawa si Berberabe ng “home improvement – repair at maintenance ng lahat ng tanggapan, improve and adopt additional security measures, mas maayos na multi-media equipment at magpromote and establish a paperless Sanggunian”.
Pagtutuunan din ng pansin ang team work, competence at capability- building ng mga myembro at empleyado ng SP.
Nagpasalamat naman ang mga muling nahalal na konsehal na sina Councilors Alyssa Renee Cruz, Aileen Montalbo, Nestor Dimacuha, Karlos Buted, Gerry dela Roca, Oliver Macatangay, Nelson Chavez, Julian Villena at Julian Pastor sa lahat ng mga nagbigay sa kanila ng pagkakataong muling manungkulan.
Ayon kay bagong Konsehal Ched Atienza, tulad ng kanyang anak na si dating Konsehal Serge Atienza, magiging gabay niya bilang mambabatas ang acronym na LOVE na tumutukoy sa Legislation, Obligation, Values and Excellence.
Sinisimulan na aniya ang draft para sa urban at rural anti-poverty ordinance para sa mga maralitang taga-bukid. Nais din niyang ipanukala ang Entabladong Batangueno Dekalibre, isang theatre arts institution na gagabay at susuporta sa mga kabataan ng lungsod.
Ipapanukala din niya ang ibat-ibang livelihood projects para sa mga kababaihan sa pakikipagtulungan sa mga civic organizations.
Itutuloy naman ng kabiyak ni dating Coun. Armando Lazarte na si Coun. Aleth Lazarte ang Legasiyang Lazarte na patuloy na maghahatid ng pagtulong at magiging instrumento ng pagsusulong ng pag-unlad ng lungsod. Bibigyang prayoridad niya ang pagpapalago ng labor sector at tourism.
Ayon kay Coun. Junjun Gamboa, malugod nyang tinatanggap ang tungkuling nakaatang sa kanyang balikat at nangakong maglilingkod batay sa prinsipyong maka Diyos, makatao at makabayan.
Sa pagtatapos ng sesyon, nangako ang mga myembro ng konseho kasama ang dalawang ex-officio members na sina ABC President Dondon Dimacuha at SK President Marjorie Manalo na magsasama sama sa pagharap sa hamon ng kanilang tungkulin at gagawin ang lahat ng makakaya para sa back to back win sa Local Legislative Award.
Dumalo sa inaugural session ang mga pinuno ng Batangas City Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Dept. of Interior and Local Government City Administrator Narciso Macarandang, at mga department heads.
Samantala, nanalo ang tanggapan ni Councilor Oliver Macatangay bilang Most Decorated Office sa contest na isinagawa bilang pagdiriwang sa ika-50 taong anibersaryo ng Sangguniang Panglungsod. Ikalawang pwesto ang opisina ni Coun. Alyssa Cruz at third prize winner naman ang tanggapan ni Coun. Aileen Montalbo.
Naging tema ng kompetisyon ang “Sanggunian @ 50: Of the people, by the people, for the people of Batangas City”.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.