- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Ibayong benepisyo para sa mga matatanda
- Details
- Tuesday, 09 July 2019 - 11:20:00 AM
Konstruksyon ng home for the aged at karagdagang benepisyo para sa mga matatanda ang ilan sa mga planong proyekto ng mga bagong halal na opisyal ng City Council for the Elderly.
Nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng council, July 9, sa harap ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa pangunguna ni dating Mayor Vilma Dimacuha na muling nahalal bilang pangulo sa kanyang ikalawang termino. Ang iba pang opisyal ay sina Vice-President Virginia Clemeno at mga Board of Directors na sina Cesar Ramos, Joy Prez, Avelino Collera, Pol Santoyo , Josie Dangal, Severina Coloma, Elena Ebora, Betty untalan, Ben Faral, Mawel Ong at Bert Burog.
Nanumpa rin kay Mayor Beverley ang mga Chapter Presidents.
Idinaos ang eleksyon ng council noong June 28 sa pamamagitan ng secret balloting.
Sa ilalim ng administrasyon ni Gng. Vilma, nagkaroon ng P1,000.00 honorarium sa bawat buwan ang mga chapter presidents ng senior citizens. Nagkaroon rin ng iba’t ibang fundraising activities kung saan ang mga nalikom na pondo ay iniipon para sa planong pagpapatayo ng home for the aged. Ilan sa mga fundraising activities ay Search for the Mutya ng Senior Citizens, Valentine’s Dinner, Dine and Dance at pagbebenta ng mga religious items.
Nagsasagawa din sila ng taunang Pabasa ng Pasyon, Visita Iglesia at mga study tours.
Binati naman ni Mayor Beverley Dimacuha ang mga inihalal na opisyal at tiniyak ang patuloy na suporta niya sa mga proyekto ng council. Ibinalita rin niya na maari ng makuha ng mga dating opisyal ang kanilang honorarium na simula Enero hanggang Hunyo 2019. (PIO Batangas Cityi)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.