Batangas City tumanggp ng awards sa reproductive at adolescent health

  1.jpg

BATANGAS CITY- Tumanggap ng award ang Batangas City mula sa Commission on Popuation Region IV-A bilang Best Adolescent Health and Development at Best Responsible Parenthood and Reproductive Health Implementers sa city level.

Ang nasabing award ay iprinisenta ni City Health Officer Rosanna Barrion at hepe ng City Population Division na si Murita Cunanan kay Mayor Beverley Dimacuha sa Plaza Mabini noong July 8.

Ayon kay Cunanan, tumanggap din ang lungsod ng special award sa Sustaining Population Office, Barangay Service Point Officers (BSPO) Association and Population Management Program.

Ilan sa mga programa ng City Population division ay ang pagsasagawa ng mga seminars sa Responsible Parenthood and Family Planning at Adolescent Sexuality and Reproductive Health sa mga barangay at paaralan. Mayroon ding Pre-Marriage Counselling, pagsasagawa ng U4U Teen Trail Experiences at Training of Trainors upang mabigyan ng edukasyon ang mga kabataan tungkol sa teen pregnancy at iba pang problemang kinakaharap ng mga kabataan ngayon. Mayroon ding Teen Kiosk sa City Health Office at ilang paaralan sa lungsod kung saan pwedeng kumunsulta ang mga kabataan upang magabayan at maturuan sila sa mga personal na problemang pinagdadaanan nila.

Samantala bilang pagdiriwang ng World Population Day ngayon buwan ng Hulyo, magkakaroon ng AHD Poster Making Workshop Contest na gaganapin sa Batangas National High School Conference Room sa July 11, 2019 kung saan may 13 national high school ang magtutunggali.