- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Elderly at PWDs dumalo sa emergency preparedness forum
- Details
- Wednesday, 10 July 2019 - 11:25:00 AM
Nagsagawa ang SM Cares ng SM Foundation ng Emergency Preparedness Forum for Senior Citizens and Persons with Disabilities sa pakikipagtulungan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa SM City Batangas Event Center, July 9, kung saan humigit kumulang sa 200 ang participants.
Ayon kay Juan Marius Cortez, OIC for SM Malls South 4, “ang ating bansa ay saksi sa mga daang emergencies at kalamidad. At kami ay naniniwala na napakahalaga sa bawat isa na maging higit na handa kaysa dati. At pag sinabing bawat isa, ito ay nangangahulugna ng lahat ng miyembro ng ating lipunan kasama ang mga matatanda at mga taong may kapansanan.”
Sinabi naman ni Joan Salcedo, supervising science research specialist ng PHIVOLCS, na napili nila ang mga matatanda at mga may kapansanan sapagkat ang mga ito ang mas nangangailangan ng pag-alalay kapag nag evacuate. Binigyan niya ang mga ito ng mahahalagang impormasyon sa mga maaari at kaya nilang magawa sa panahon ng kalamidad.
“Ang lindol ay parang isang bisitang hindi inaasahan, alam nating darating pero hindi natin alam kung kailan kung kayat dapat lagi tayong handa,” sabi ni Salcedo. Ang earthquake preparedness aniya ay nagsisimula sa pagpili ng lugar na pagtatayuan ng bahay hanggang lumindol kung kayat dapat alam natin ang pwedeng mangyari at pwedeng maging epekto upang naayon ang gagawing paghahanda.
Bukod kay Salcedo, naging resource speaker din si Dr. Ted Esguerra na isang aktibong miyembro ng maraming emergency preparedness and disaster response units sa buong mundo.. Siya rin ay Subject Matter Expert for Radio (DZMM) and TV (ABSCBN) show na RED ALERT na tumalakay sa paksang Robust Preparedness Programs for SM-wide Resiliency Campaign.
Lubos ang pasasalamat ni Ret. Police Chief Inspector Amelia Maderazo na tumatayong Provincial Officer ng Senior Citizens Affairs Office ng lalawigan sa napakaganda aniyang proyektong ito ng SM at Phivolcs. Ibabahagi aniya nila sa iba pa nilang kasamahan ang kanilang mga natutunan kung ano ang mga dapat gawin kapag may lindol at pagkatapos nito. “Ang kaalaman ay isang mahalagang armas upang makaiwas sa sakuna,” sabi niya. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.