Best environmental practices ng Batangas City ginawaran ng award ng DENR

1.jpg 2.jpg

Tumanggap ng Plaque of Recognition ang Batangas City mula sa Department of Environment and Natural Resources-Environment Management Bureau (DENR-EMB) CALABARZON Region dahil sa seryosong pagpatupad ng mga programa at kampanya sa pangangalaga ng kapaligiran sa loob ng mahabang panahon gamit ang Best Environmental Technology (BET) at Best Available Practices (BAP).

Ang plake ay iginawad ni DENR Undersecretary Benny Antiporda sa idinaos na Environment Summit, July 30, sa Taal Vista, Tagaytay City at tinanggap ni City Environment and Natural Resources Officer (CENRO), Oliver Gonzales, kasama ang mga committee chairmen ng Solid Waste Management Board (SWMB) na sina General Services Officer Joyce Cantre, City Health Officer Dr. Rosanna Barrion, at City Engineer Adela Hernandez.

Ayon kay Gonzales kinilala ng DENR-EMB ang best and unique environmental practices sa solid waste management tulad ng pagbubuo ng Katuwang ng Barangay Responsible, Aktibo Disiplinado (KA-BRAD) na binubuo ng mga pili at nagsanay na empleyado ng pamahalaang lungsod at siyang nagsasagawa ng information dissemination campaign, monitoring at evaluation sa 105 barangay para sa istriktong implementasyon ng RA 9003 o ang Solid Waste Management Act of 2000.

Naging basehan rin ng award ang full implementation ng “no single-use plastic policy” na nakasaad sa Environment Code ng lungsod, Barangay Rationalized Agricultural Waste Disinfection Program kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapa agos ng dumi ng mga alagang hayop sa mga ilog, sapa, dagat ay iba pang anyong tubig at Calumpang River Rehabilitatiion and Habitat Management Programs.

Sinabi ni Gonzales na nakakapagpatupad ang city government ng mga environmental programs at projects ng higit pa sa inaasahan mula dito ng DENR-EMB. “Lahat naman ng LGus ay may programs pero yung sa atin is beyond or more than compliance,” dagdag pa niya. Nagkaroon aniya ng masusing validation bago iginawad ang naturang award. (PIO Batangas City)