- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Buong komunidad magtulongan laban sa dengue, payo ng CHO
- Details
- Thursday, 01 August 2019 - 11:48:00 AM
BATANGAS CITY- Sa harap ng nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, nanawagan ang City Health Office (CHO) na magtulungan ang buong komunidad sa pagpuksa ng mga breeding places ng lamok at sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga kabahayan at kapaligiran upang maiwasan ang nakakamatay na sakit na ito.
Ayon sa medical officer IV at dengue coordinator ng CHO na si Dr Ian Calingasan, nagkaroon ng 506 cases ng dengue sa lungsod mula January hanggang July kung saan isa ang namatay na bata noong first quarter. Ang barangay San Isidro na may 52 kaso ang may pinakamataas na bilang. Ang iba pang nangungunang barangay na may madaming kaso ay ang Alangilan, Tabangao Ambulong, Sampaga at Sorosoro Ilaya.
Mula 2016, 2017 at 2018, bumaba ang kabuuang bilang ng kaso mula 1, 208 hanggang 842 at 696 respectively. Posible itong tumaas ngayong 2019.
“Mahalaga ang papel ng mga barangay officials sa kampanya laban sa dengue sa pamamagitan ng pagsasagawa ng cleanup drive at search and destroy ng mga lugar na pinamumugaran ng lamok sa kanilang lugar. Hindi ito kakayanin ng CHO kundi ng buong komunidad upang malabanan ang dengue, ” sabi ni Dr. Calingasan.
Bukod sa awareness campaign, nagsasagawa rin ang CHO ng misting operation sa mga barangay na lubhang apektado subalit ang mga adult mosquitoes lamang ang namamatay dito kayat mayroon din silang larval survey para sa posibleng breeding places ng lamok tulad ng mga lumang gulong at iba pa. Iwasan din aniya ang mga stagnant water upang huwag itong pamugaran ng lamok.
Pangunahing sintomas ng dengue ay lagnat, sakit ng katawan, sakit ng ulo at pagbaba ng platelets. Pinapayuhan ang lahat na magpakonsulta agad sa doctor kapag may ganitong simtomas upang maiwasan ang komplilkasyon.
Tinatagubilinan din ang mga rural health units na i report agad sa CHO ang mga kaso ng dengue sa kanilang lugar.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.