- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
PWDs tinutulungan upang umangat ang kalidad ng buhay
- Details
- Friday, 02 August 2019 - 11:48:00 AM
BATANGAS CITY-Sa pagdiriwang ng 41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week noong July 13-30 na may temang “Lokal na Pamahalaan Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga Taong may Kapansanan”, pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga gawaing nagbigay benepisyo sa mga persons with disability (PWDs).
Isa rito ay ang medical mission na isinagawa ng Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center-Manila, Department of Otorhinolaryngology Head and Neck Surgery na ginanap sa CSWDO noong July 13.
Ang mga child development workers ay sumailalim ng orientation sa kumg papaano mag iidentify o pagtukoy ng mga batanng may kapansanan noong July 22.
May 105 PWD barangay coordinators ang lumahok sa Self and Social Enhancement Session, Value Formation, Early Detection, Prevention and Intervention of Disability, at Tuloy Aral Walang Sagabal (TAWAG).
Binigyan din ang mga PWDs ng pagkakataong maipakita ang kanlang mga talento sa pamamagitan ng contest sa best presentations ng Special Education schools kung saan may 13 paaralan ang naglaban laban.
Mayroon ding painting contest kung saan ang mga paintings ng mga PWDs na lumahok ay ipinakita sa exhibit sa Batangas City Convention Center.
Ang mga nanalo ng first place sa painting contest ay ang sumusnod: elementary, Jomel Abrea ng Batngas City South Elementary School; high school, Quennie Atienza ng Batangas National High School (BNHS), non- graded, Chris Agillon ng Ilijan. Nakuha naman ni Eugene Uy ng BNHS ang 1st place sa special award transition.
Ipinakita nila ang kanilang pagiging malikhin sa Exhibit/Selling of Likhang Batangenyo Produkto ng mga may K na ginanap din sa Batangas City Convention Center noong July 29. Kabilang sa kanilang mga produkto ay mga handicraft, scented candles, rugs, bracelets, paper weaving, pillow cases at iba pa. May libre ring massage at haircut.
Lumahok ang may 250 PWD coordinators at barangay health workers sa forum sa Review and Updates of R. A. 107545 o an Act Expanding the Benefits and Privileges for Persons with Disability.
Nakapaloob sa nasabing batas ang benepisyo para sa mga PWDs kagaya ng 20% discount sa ilang mga commodities at establishments at exemption sa Value Added Tax. Kasama rin sa benepisyog ito ang kanilang pamilya na kumakalinga sa kanila hanggang sa 4th degree of affinity.
May 50 magulang ng mga batang may autism ang lumahok sa forum tungkol sa Parenting Children with Special Needs.
May forum din sa Sustainable Livelihood Program and Employment and Job Placement Assistance na dinaluhan ng PWD barangay coordinators at magulang ng mga PWDs.
Sa datos ng CSWDO, may 4,000 PWDs sa lungsod ang kasalukuyang bilang ng mga naitatalang taong may kapansanan sa lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.