- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Natatanging barangay nutrition committee at barangay nutrition scholars pinarangalan
- Details
- Wednesday, 07 August 2019 - 11:50:00 AM
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Nutrition Month noong Hulyo, kinilala ng City Division ng City Health Office ang natatanging barangay nutrition committee at barangay nutrition scholars noong 2018 sa awarding ceremony sa Batangas City Convention Center, August 6.
Hinirang na 2018 Outstanding Barangay Nutrition Committee (BNC) ang Barangay Mahabang Dahilig habang kinilala namang Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) si Maximiana Panganiban ng naturang barangay.
Ayon kay Panganiban, nakamtan nila ang Zero malnourished sa mga batang edad 0-59 months noong December 2018 at isang dahilan nito ay ang kanilang pagpapalawak ng backyard gardening. Nagsasagawa sila ng deworming at pagbibigay ng Vitamin A sa mga bata. May kampanya din sila sa breastfeeding at ehersisyo at nagsasagawa ng cooking contest. Ang mga health activities ay ang cleanup drive, kampanya laban sa rabies at dengue.
Si Panganiban ay nagsimulang maging BNS noong 2016 upang maging busy ng siya ay naging balo. “Ako po ay inip na inip sa aming bahay kayat naisipan kong mag apply bilang BNS,” sabi niya. Sinusuportahan lamang siya ng kanyang mga anak kung kayat sa pamamagitan ng pagiging BNS ay nakakatanggap siya ng allowance na P3,000.
Sinabi naman ni Pangulong Evangelista na hindi lamang ang mga ina ang binibigyan nila ng health counselling kundi ang mga drug surrenderers upang matulungan silang maibalik ang kanilang kalusugan. Dahil sa ang drug addiction ay isang health problem, nagsasagawa rin sila ng drug testing upang malaman ang mga apektado ng problemang ito sa kanilang barangay.
Ang kanilang barangay nutrition committee ay tumanggap ng cash prize na P20,000. Second place ang Barangay 19 at third ang Banaba Center.
Pinarangalan din sina Rene Untalan ng barangay San Pedro at Gaudelio Ingco ng barangay Tabangao bilang longest serving BNS (25 years).
Sa mensahe ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, binigyang diin niya ang pagkakaroon ng disiplina sa pagkain upang maiwasan ang mga chronic diseases. Hinikayat din niya ang mga barangay officials na magkaroon ng physical activities kagaya ng zumba at pag eehersisyo.
Hiniling ni City Health Officer Dr Rosanna Barrion na magkaisa ang lahat sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan upang magkaroon ng malusog na pamayanan.
Ayon sa resource speaker na si Nutrition Officer III Eva Mercado, mahalagang maginag bahagi ang physical activities sa daily routine sa tahanan, paaralan at mga tanggapan. Kagaya nga ng sinasabi ng tema ng pagdiriwang- “Kumain ng Wasto at maging Aktibo, Push natin to”.
Sa kanyang closing remarks, nagpasalamat ang chief ng Nutrition Division na si Luciana Manalo sa mga barangay nutrition committees at barangay nutrition scholars sa kanilang partisipasyon sa pagpapatupad ng mga nutrition programs at projects sa kanilang barangay.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.