- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Summa cum laude grads na pride ng Batangas City kinilala ng SP
- Details
- Wednesday, 07 August 2019 - 11:52:00 AM
Ginawaran ng Certificate of Commendation ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas sina Jamie Christine Berberabe Lim at John Anthony Camacho Kho dahil sa pagbibigay ng karangalan sa lungsod bilang mga Batangueñong nakakuha ng highest academic distinction sa Unibersidad ng Pilipinas.
Si Berberabe ay nagtapos ng kursong BS Mathematics at nakakuha ng general weighted average na 1.073 habang si Kho ay nagtapos ng Chemical Engineering at may GWA na 1.196.
Si Jamie ay anak ng dating basketball player na si Samboy Lim at dating PAGIBIG CEO Darlene Berberabe. Nag graduate siya ng valedictorian sa College of Science at recipient ng Joker Arroyo award for Outstanding Bachelor of Science graduate in Mathematics. Isa din syang world champion sa karate.
Ang resolusyon ay inakda ni Coun. Karlos Buted. Ito ay may titulong “A Resolution commending and expressing gratitude to Jamie Christine Berberabe Lim and John Anthony Camacho Kho for their exemplary performance and being Summa Cum Laude in the 108th General Commencement Exercises of the University of the Philippines-Diliman held last June 30”.
Personal na tinanggap ni Lim ang parangal habang ang ama naman ni Kho ang tumanggap ng certificate dahil siya ay nasa unang araw ng review para sa chemical engineering board exam
Nagpasalamat si Kim sa pagkilalang ito ng Sangguniang Panlugnsod sa kanya at itinuturing itong isa niyang karangalan. “Idol na idol ko po ang aking mommy at siya ang aking inspiration and motivation,” sabi niya.
Plano niyang maging myembro ng faculty ng UP Diliman at ipagpatuloy ang kanyang quest for excellence sa karate.
Ikinuwento naman ng ama ni Kho na si Engr. Joan na “late bloomer” ang kanyang anak sapagkat edad 3-4 years old na ito ng magsalita ng maayos. Kapansin pansin din sa kanyang anak na mula bata ay hindi tumitingin sa mata ng kausap at kahit sa kanyang teacher habang nakikinig sa klase. “Akala ng teacher di nakikinig pero pag tinanong naman e alam ang leksyon.” Malungkot din niyang kinuwento na nabangga ng jeep ang kanyang anak at nabalian ng paa bago ang kanyang graduation,. Ngayon ay kasama ni John Anthony ang kanyang inang doktora habang nagre review para sa board exam upang siya ay maalalayan. Payo niya sa mga magulang na ibuhos ang pagmamahala sa kanilang mga anak sapagkat malaking bagay ito sa kanilang tagumpay,
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.