- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Road clearing operation ng Batangas City nagsimula na
- Details
- Wednesday, 07 August 2019 - 11:53:00 AM
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang kalsada sa publiko sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga sagabal sa trapiko , nagsimula na ang pamahalaang lungsod ng Batangas ng clearing operation , August 5 sa luma at bagong palengke at sa ilang national highways.
Ang clearing team ay binubuo ng Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) at Defense Security Services (DSS) katulong ang General Services Department (GSD).
Binaklas ng team ang tindahang illegal na nakatayo, extension ng bubong ng mga tindahan sa sumasakop na sa mga daanan at pinaalis rin ang mga sidewalk vendors sa bago at lumang palengke para mas maginhawang makadaan ang mga tao.
Binaklas rin ang mga iligal na tindahan, kainan at istraktura sa may Lyceum of the Philippines Batangas. Inalis ang mga signages na nakahambalang sa mga daanan , simula barangay Kumintang Ibaba hanggang Balagtas. Sinita rin ang may ari ng sasakyang iligal na naka park dito.
Sinimulan naman sa highway sa Calicanto jhanggang Bolbok ang pagpapaalis ng illegal parking at illegal structures.
Ayon sa Memorandum Circular No. 2019-121 ng Department of Interior and Local Government (DILG), para sa mga governors at mayors, punong barangay, local sanggunian at iba pang konsernadong opisyal ng pamahalaan sa buong Pilipinas, dapat linisin ang kalsada ng mga illegal structures at constructions bunsod ng direktiba ni Pangulong Duterte sa kanyang 4th State of the Nation Address noong Hulyo 22. Kailangan din nilang i rehabilitate ang mga recovered roads sa pamamagitan ng paglalagay ng street names at street lights. Ipinag-uutos din sa kanila ng magbalangkas na stratehiya upang matugunan ang displacement issue o mga maaalis na illegal vendors at structures bunga ng clearing operation.
Iniuutos din sa mga local chief executives na I revoke ang permit na nagbibigay ng authority sa mga private entities na okupahin ang mga public roads para sa kanilang pribadong pangangailangan.
Ang mga local sanggunian naman ay inaatasang i revisit ang kanilang mga ordinansa at iba pang batas upang ito ay tumugon sa direktiba ng Pangulo at umayon sa ibang related laws at policies.
Nakasaad sa nasabing memorandum circular na sa loob ng 60 araw, dapat mayroon ng “significant results” ang clearing operation, dokumentado ito, at naiulat kasama ang efforts ng mga LGUs na ma sustain o maipagpatuloy ang gawaing ito. Maaaring maharap sa kasong adminastratibo ang mga local officials na lalabag dito ayon sa section 6 ( c ) ng Local Government Code of 1991 at sa iba pang batas. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.