Tatlong kabataang Batangueño, panalo sa World Championships of Performing Arts

  1.jpg

Tatlong kabataan sa Batangas City ang binigyan ng pagkilala ng Sngguniang Panlungsod sa kanilang nakamit na medals sa singing competition sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) na ginanap noong July 15-17 sa Long Beach, California, USA.

Isa rito ay si Aeron Mierr Asilo, 10 taong gulang mula sa Calero at grade 5 student ng Sunhill Montessori Casa. Champion of the World – Division winner at gold medalist sa Latin at Open category si Asilo at nagkamit din siya ng limang silver medals sa Gospel, Jazz, Rock, World at Country western category. Si Aeron ay isa sa mga contestants ngayon ng The Voice Kids kung saan siya ay kabilang sa Team Sarah.

Humakot din ng medalya si Macy Maxene Batalao, 15 taong gulang at grade 10 student ng Batangas City High School for the Arts. Nakakuha siya ng gold medal sa group production, dalawang silver medal sa Latin song in the Vocal Solo Preliminary competition at sa modeling, at dalawang bronze sa country / western at contemporary. Siya ay naging contestant ng The Voice Kids noong Season 1. Plano niya na mag-artista at mapabilang sa Star Magic.

Champion of the World – Division winner at dalawang gold medals para sa pop at gospel category, silver sa world category at bronze sa R&B naman ang naiuwi ni Hershey De Castro ng barangay Libjo. Siya ay 21 taong gulang at vocalist ng Next band. Ipagpapatuloy niya ang kanyang singing career at nagbabalak na sumali sa susunod na Idol Philippines.

Humigit kumulang sa 60 kinatawan ng ibat-ibang bansa ang kanilang nakalaban kung kayat lubos ang kanilang kasiyahan na siya ay nagwagi dito. Ang WCOPA ay isang prestihiyosong kompetisyon para sa singing, dancing , acting, variety acts, at iba pa. Isa sa mga nagwagi dito ay ang sikat na singer na si Jed Madela.

Nagpasalamat sila kay Mayor Beverley Dimacuha at sa kanilang pamilya sa lahat ng mga tumulong upang makarating sila sa naturang kompetisyon.

Sila ay pinarangalan sa pamamagitan ng isang resolusyon na iniakda ni Coun. Alyssa Cruz.. (PIO Batangas City)