- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Brgy. Cuta napiling Adopt a Barangay beneficiary ng CLB
- Details
- Friday, 30 August 2019 - 9:25:00 AM
BATANGAS CITY- Inilunsad ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) ang Adopt a Brangay project nito bilang bahagi ng kanilang extension program kung saan napili nila ang Cuta.
Kaugnay nito, isinagawa ang pirmahan ng memorandum of agrrement (MOA) sa pagitan ng CLB at ng Barangay Cuta kung saan iba’t-ibang proyketo na makakatulong sa barangay ang isasagawa ng colegio.
Lumagda sa MOA sina College Administrator Dr. Lorna Gappi, Dr. Doringer Cabrera at Dr. Feliciana Adarlo ng CLB at si Pangulong Ramil Caseda ng Cuta.
Ayon kay Dr. Gappi, bilang sukli sa mga biyayang natatanggap ng CLB mula sa pamahalaang lungsod , iinilunsad nila ang proyektong CLB-CARES o Colegio ng Lungsod ng Batangas-Community Assistance and Response to Empower Society na ang layunin ay makatulong sa isang barangay na may higit na pangangailangan.
Sa tulong ng City Social Welfare and Development Office CSWDO, natukoy nila ang Cuta na siyang tutulungan. Nagsimula sila ng survey dito noong August 23 sa 11 sitio na may 2,997 households.
Sinabi naman ni Dr. Cabrera, VP for Research Extension Planning and Development, inilunsad nila ang CLB-CARES Adopt- a Barangay upang makatulong ang kolehiyo na maiangat ang pamumuhay ng komunidad. Nakapaloob dito ang mga proyektong kanilang gagawin bilang partner ng barangay sa loob ng limang taon kabilang ang programang pangkalusugan, pang libangan, edukasyon, kahandaan ng kaligtasan, pangkapaligiran at pangkabuhayan.
Ayon naman kay Pangulong Caseda, laking pasasalamat niya sa CLB dahil ang kanilang barangay ang napiling tulungan. “Hindi ko kakayanin mag-isang ibigay ang iba pang pangangailangan ng aking barangay kaya malaking tulong ito sa akin na mapili bilang Adopt a Barangay at masasabi kong ito ay katuparan ng aking pangarap na maiangat ang pamumuhay ng mga residente dito. Alam po natin na ang barangay Cuta partikular ang sitio Itlugan ay isa sa talamak ang droga, na matutulungang magbagong buhay sa pamamagitan ng mga programang ihahatid ng CLB. Kayo po ang aming makakatulong sa pag papaganda ng kanilang pamumuhay at pagtuturo sa kanila ng kaalaman.”
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.