BOOKS Program inilunsad ng Pilipinas Shell Foundation sa host barangay nito

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg


Inilunsad ng Pilipinas Shell Foundation Inc. (PSFI) ang BOOKS ( Building , Organizing and Operating Libraries and Knowledge-Based System) Program nito sa Ambulong Elementary School Library, September 2 bilang karagdagang pasilidad upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga estudyante.

Sa ceremonial turnover ng nasabing programa, sinabi ni PSFI Program Manager Olivia Sorio na layunin nito na mahikayat ang mga kabataan na magbasa at mapaganda at mapunuan ang kakulangan sa gamit ng mga aklatan sa host community ng Shell Refinery.

Nagsilbing partners ng PSFI ang Department of Science and Technology (DOST) para sa STAR books project nito at ang Project Aklat ng National Bookstore Foundation Inc (NBSFI).

Ayon kay DOST Provincial Director Dr Felina Malabanan, ang STAR books ay ang 1st Philippine Science digital library ng DOST na nangangahulugan ng Science and Technology Academic and Research- based openly kiosk station. Ito ay offline o hindi nangangailangan ng internet , multiple user at free software na inilagay ng DOST sa limang computer units na ipinagkaloob ng PSFI sa nasabing paaralan.

Naglalaman ito ng ibat-ibang DOST documentaries, interactive science and mathematics, educational videos for advance learners, nuclear technology, Philippine Journal of Science, investigatory projects at livelihood videos na pakikinabangan hindi lamang ng mga mag-aaral gayundin ng mga guro at mga magulang.

Ayon kay Dr. Malabanan, may 3,935 paaralan na sa bansa ang mayroong STAR books project na ilang awards na ang natanggap bilang outstanding library program.

Sinabi naman ni NBSFI Executive Director Bea Torres na ang Project Aklat ng National Bookstore ay 14 na taon na nilang isinasagawa. Ito aniya ay katuparan ng hangarin ng founder nito na si Socorro Ramos na mabigyan ng libro ang mga nangangailangan at magdala ng aklat sa bawat sulok ng bansa. Nagkakaloob sila ng 500 story books sa kanilang beneficiaries subalit sa barangay Ambulong, 1,000 aklat ang kanilang ipinagkaloob bilang pakikipagtuwang sa PSFI. May 50 paaralan na sa lalawigan ang nakikinabang sa Project Aklat.

Ayon kay PSFI Executive Director Sebastian Quinones “PSFI has mastered the art of project implementation and we figure out ways how things are done that’s why we make sure that all our projects gives a big impact .”Sa loob aniya ng 37 taon ng foundation, marami nang “underpriviledged and disadvantaged” ang kanilang natulungan partikular yaong mga nasa host barangays kung kayat umaasa sila na sa proyektong ito ay maraming kabataan ang kanilang matutulungan at makikinabang.

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng Ambulong ES sa pagkakapili sa kanila bilang recipient ng kauna-unahang STAR books project

Biniigyang diin ni Principal Darlene Eje na malaking tulong sa 628 pupils nila ang BOOKS program. “We are very lucky and blessed na mapagkalooban ng ganitong klaseng proyekto,” sabi niya.

Ipinarating ni OIC Schools Division Superintendent, Dep Ed Dr Donato Bueno ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Dr. Vicky Fababier Sana aniya ay magamit ng tama, mapangalagaan at pahalagahan ang mga ipinagkaloob ng PSFI at mga partners nito sa naturang paaralan.

Ang BOOKS program ay matatagpuan sa HE Building na kaloob ng pamahalaang lungsod kung saan higit itong pinaganda ng mga murals na likha ng mga arts students ng Batangas City HS for Culture and Arts.

Kaalinsabay ng ceremonial turn over ng susi ng Library BOOKS program ay ang ribbon -cutting ceremony ng school library.

Dumalo sa naturang okasyon sina PSPC ER Manager Darlito Guamos, PSPC Terminal Manager Ivan Buan, PSFI Program Development Manager Jay Javier at Kagawad Crispin Vino bilang kinatawan ni Pangulong Manolo Macatangay ng barangay Ambulong. (PIO Batangas City)