500 indibidwal makikinabang sa cash for work program ng DOLE

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 500 beneficiaries ng Tulong Pangkabuhayan para sa mga Disadvantaged at unemployed workers (TUPAD) sa Batangas City ang magtatrabaho sa pamamagitan ng paglillinis at pagtatanim sa kanilang barangay.

Ayon kay Emelita Salamat, labor and employment officer ng DOLE Provincial Office, ang TUPAD ay sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) na isang cash for work project para sa mga higit na nangangailangan kagaya ng mga solo parents, out-of-school youth, senior citizens at iba pa.

Sa Batangas City, ang programang ito ay pinopondohan ng opisina ni Cong. Marvey Marino.

Ang beneficiary ay magtatrabaho sa kanilang barangay sa loob ng sampung araw kung saan siya ay kikita ng P400 bawat araw na siyang pinakamataas na minimum wage sa Calabarzon. Pwedeng magtrabaho hanggang 30 araw.

Ang, mga beneficiaries na ito ay sumailalim ng orientation, September 5, at binigyan ng kanilang ID , TUPAD shirts at sombrero na gagamitin sa paglilinis.

Nakinig din sila sa lecture ni Salamat tungkol sa occupational, safety and health

Isa si Eva Culasino sa mga beneficiaries na lubos ang pasasalamat sa naturang proyekto dahil malaki aniyang tulong ito sa kanilang pamilya. Ang kanyang suswelduhin dito ay gagamitin aniyang pambaon sa paaralan ng kanilang dalawang anak. “Kumikita na kami, nakakatulong pa sa paglilinis ng kapaligiran,” dagdag pa niya”.

Hangad ni Salamat na magawan ng paraan ng mga indigents na magkaroon ng ID tulad ng voter’s registration record (VRR) dahil isa itong requirement upang maging beneficiary ng TUPAD.