- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
CCP cultural show itinanghal sa Brgy. Ilijan
- Details
- Monday, 09 September 2019 - 9:30:00 AM
Isang cultural show na pinamagatang Pamana:The Cultural Legacies of Luzon ang itinanghal sa Barangay Iijan, Batangas City noong September 5, bilang isang produksyon ng Cultural Center of the Philipines (CCP), Cultural Exhange Dept.
Ito ay bahagi ng serye ng pagtatanghal sa ilalim ng outreach program ng CCP na pinamagatang Ugnayan sa Sining: :Regional Collaboration, Community Performance and Exchange Tours na naglalayong maipakita at mapalaganap ang mayaman at makulay na kultura at tradisyon sa ibalt ibang rehiyon ng bansa.
Ayon kay Chinggay Bernardo, department manager, CCP Cultural Exchange, is rin itong pagkakataon na makapanood ang mga taga probinsiya ng mga pagtatanghal ng CCP ng hindi na kailangan pang pumunta sa Maynila.
Nagtanghal dito ang mga ipinagmamalaki ng kanilang probinsiya kagaya ng Baao Children and Youth Choir (BCYC) ng Camarines Sur, Bicol, Barasoain Kalinangan Foundagtion,, INC (BKFI). ng Malolos City (, Bulacan at Lahing Batangan Dance Troupe (LBDT) ng Lyceum of the Philippines University, Batangas. Sila ang bumubuo ng Luzon Collaborative Production.
Ang prologue o simulang bahagi ng pagtatamgjal ay ang ensemble ng mga sayaw na pinamagatang Pamanang Sining, Bubuhayin at Pagyayamanin.
Ilan sa mga inawit ng BCYC ang mga Pilipino folksongs at classic songs kagaya ng Pamulinawen, Katakataka, Ang Maya, Bayan Ko at Ave Maria.
Nagpakitang gilas naman ang LBDT sa sayaw na Idaw, Bendian, Banga,Sala Ti Mais, Carinosa at Subli.
Sa pamamagitan ng teatro o dramatic interpretation ng mga popular na alamat sa rehiyon, ipinamalas ng Barasoain Kalinangan Foundation Inc. ang mga magandang katangian na pinapahalagahan ng mga Fiipino sa kanilang pagtatanghal ng Alamat ni Lam-Ang, Hatid ay Kahusayan, Bul-ul na Bantay, Katapatan ang Taglay, Bambanti sa Palayan, Tanda ng Kahandaan Mutya ng Pasig, Puno ng Pagmamalasakit at Kabayanihan sa Nag-uumpugang Bato, Pinamalas ni Bernardo Carpio.
Ang epilogue o huling bahagi ay Salamat sa Sining, Pamana ay Nagniningning na ensemble ng mga awiting Pilipino.
Lubos ang pasasalamat ng Cultural Exchange Department ng CCP sa pamahalaang lungsod sa suportang ipinagkakaloob nito sa pagpapalaganap ng sining at kultura. Nawa aniya ay magpatuloy ang pagtutulungan nila upang maiangat ang sining at kulturang Filipino.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.