- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Titulo sa lupa ipinagkaloob ng Shell sa Malitam relocatees
- Details
- Thursday, 12 September 2019 - 9:35:00 AM
BATANGAS CITY- Pagkatapos ng ilang dekada ng paghhintay at pagtatiyaga, sa wakas ay natanggap na rin ng may 83 residente sa barangay Malitam ang titulo sa lupang kanlilang inookupa na ipinakaloob ng Shell Refinery.
Ang awarding ng titulo ay isinagawa ng Tabangao Realty, Incorporated (TRI) September 12, sa Shell Taclobo Club House.
Taong 1984 ng simulan ang construction ng Shell Gas Easter, Inc. sa lugar na dating tinitirahan ng may 90 pamilya sa “old” Malitam. Sa pamamagitan ng isang maayos na resettlement program, na relocate ang mga ito sa dalawang malaking parcels ng lupa na binili ng TRI.
Nagkaroon ng ilang mga issues sa proseso ng pagpapatitulo ng mga lupa kung kayat ito ay nagtagal. Noong 2011, pinatotohanan ng Regional Trial Court ang legitmate sale ng mga lote sa TRI na nagresulta sa pagkakatitulo ng dalawang main lots ng Registry of Deeds- 2011000002 LOT 9793 at 201100000.3 LOT 15592.
Maluha-luha sa tuwa si Lola Anselma Holgado 74 years old ng Barangay Malitam ng kanyang tanggapin ang certificate of title of land ownership mula sa TRI.
Ayon kay Floro Dapula, dating pangulo ng Malitam , halos 30 taon ang kanilang hinintay bago naayos at natapos ang pag proseso sa mga dokumento, “Ngayon araw na ito ay masasabi ko na isa sa makabuluhan at makasaysayan araw na ito para sa mga taga barangay Malitam ang ipamahagi sa amin ang titulo ng lupa. Nagpapasalamat din ako sa TRI at sa Shell Refinery dahil hindi nila kami pinabayaan na makamit ang hinhintay namin sa matagal na panahon na mapasa amin ang lupa na aming tinitirikan.”
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Beverley Dimacuha na “sana bigyan ninyo ng halaga ang pag kakaloob sa inyo nitong titulo, huwag sana ninyo ito gamitin na i pang prenda o kolateral bagkus ay pagyamanin dahil ito lang ang maari ninyo ipamana sa inyong mga mga anak o sa mga susunod pang henerasyon.”
Dumalo din sa okasyong ito sina TRI Gen. Manager Vincent Salvador, Shell Tabangao Refinery External Relations Manager. Dar Guamos, Shell Refinery Country External Manager Serge Bernal, Edwin Reyes ng Shell at Barangay Chairman Mamerto Marasigan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.