- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City Police tumanggap ng ikalawang Silver Eagle Award
- Details
- Tuesday, 17 September 2019 - 9:35:00 AM
Muling ginawaran ng Silver Eagle Award ang Batangas City Police Station (BCPS) dahil sa outstanding commitment nito, malaking suporta at epektibong implementasyon ng Philippine National Police-Peace and Order Agenda for Transformation and Upholding the Rule of Law o PNP-PLAN 2030 na siyang vision ng PNP at batayan ng lahat ng programa at mga gawain nito.
Ginanap ang awarding ceremony noong September 5, sa pagdiriwang ng 118th Police Service Anniversary sa Camp BGen Vicente P. Lim sa Calamba City.
Unang tumanggap ng Silver Eagle Award ang City Police Station noong 2015.
Iprenesenta nina Batangas City PNP Chief, PSupt Sancho Celedio, mga opisyal nito at ng PNP Advisory Council ang naturang award kay Mayor Beverley Dimacuha bilang pagkilala sa napakalaking suporta ng Mayor sa mga programa at gawain ng kapulisan.
Binati at pinasalamatan naman ni Mayor Dimacuha ang mga ito sa kanilang accomplishments bunga ng kanilang mahusay at tapat na paglilingkod . Aniya ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang suporta sa kapulisan.
Nakakuha rin ang BCPS ng highest rating sa Proficiency Evaluation Process Performance Audit ng PNP PLAN 2030 sa taong ito. Minarkahan ang himpilan ng pulisya ayon sa limang elements tulad ng Functionality of Strategy Partners, Analysis and Examination of Strategy Execution, Stakeholder Communication, Initiative Management at Best Practices.
Binigyang ng mataas na puntos ang Stakeholder Communicatioin kung saan nakapaloob dito ang maayos na implementasyon ng communication plan, kagaya ng information education campaign sa mga programa ng kapulisan tulad ng anti-drugs at iba pa gamit ang mga information materials, mass at social media.
Mataas na puntos rin ang nakuha sa Functionality of Strategy Partners. Ito ay ang mga suporta ng mga katuwang na ahensya ng City PNP tulad ng Advisory Council (AC) na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.
Ang evaluation/assessment ng city police performance ay isinagawa ng auditing team sa pamamagitan ng random interview sa mga police personnel at members ng AC, on -site visit sa iba’t ibang tanggapan ng Batangas City Police Station at mga Police Assistance Center (PAC) sa barangay Alangilan, Balagtas at Bolbok, at review ng mga dokumento at records ng himpilan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.