- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
98. 2% ng households sa Batangas City may sanitary toilets
- Details
- Tuesday, 24 September 2019 - 9:37:00 AM
Sa harap ng direktiba ng Department of Health (DOH) sa mga local government units na palakasin ang pagpapatupad ng zero open defecation (ZOD) bilang isa sa mga hakbang upang maiwasan ang sakit na polio na muling bumalik sa bansa pagkatapos ng halos dalawang dekada ng pagiging polio-free, ipinabatid ng Sanitation Division ng City Health Office (CHO)na 67,181 households ng kabuuang households na 68,414 o 98.2% sa Batangas City ang may sanitary toilets noong 2018.
Ayon kay Engr. Elisha Dimayuga, isang sanitary at environmental engineer ng CHO, ang ilang mga pamilya sa coastal barangay ng Sta. Clara at Cuta at sa Mabacong ay may communal toilets o shared toilets sa mga kamag-anak . Sinabi rin niya na bagamat may mga communal toilets sa mga barangay na ito, may nakikita rin silang dumi ng tao na tinatabunan ng buhangin.
Ang Badjao community sa brgy. Wawa aniya ay may dalawang communal toilets.
Sinabi rin ni Engr. Dimayuga na ang ipinatutupad ngayon ng DOH ay ang pagkakaroon ng access sa sanitation services kagaya ng basic sanitation facility na water- sealed toilet o may septic tank; safely managed sanitation service o hindi shared o communal toilets kundi isang toilet para sa isang household; at certification of barangay as zero open defecation area.
Hindi pa aniya naipatutupad sa Batangas Province ang certification of barangay as zero open defecation area.
Ayon sa DOH, isang dahilan ng polio ay ang unsanitary practice ng pagdumi ng tao. Mahalaga ang wasto at regular na paglilinis ng kamay ng sabon at tubig, paggamit ng toilet, kumain ng fully cooked na pagkain at dapat uminom ng malinis na tubig . Kinakailangan din ng full vaccination ng mga batang mababa sa limang taon ang edad laban sa sakit na ito.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.