- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Water interruption dahilan sa road widening
- Details
- Friday, 20 September 2019 - 9:37:00 AM
Humingi ng paumanhin at humiling ng pang-unawa si Prime Water Batangas City Branch Manager Chelton Arias sa kanilang mga konsumidores dahilan sa madalas na water interruption sa lungsod na aniya ay dahilan sa “ intensive road widening.”
Ang road widening aniya ay nagdudulot ng water interruption sa Jose P, Laurel Highway na mula Alangilan hanggang Kumintang Ilaya,
Ayon kay Arias, naka-schedule naman ang kawalan ng tubig maliban kung may emergency. Ngayon, ito ay tuwing Byernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga dahian sa isinasagawa nilang proyekto sa loob ng PNP Compound upang masolusyunan ang mahinang water supply. Isang phase na lamang at matatapos na ito.
Ang ilan sa mga lugar na may mahinang water supply ay ang Sorosoro Karsada, Sta. Rita, Tingga Labac, Dumantay at Paharang Kanluran.
Ang iba pang ongoing projects nila ay ang pipe replacement sa barangay Tingga Labac. Patapos na ang kanilang proyekto sa loob ng Alangilan pumping station na makakadagdag sa suplay ng tubig sa lungsod. Malapit ng mag umpisa ang kanilang proyekto simula sa Don Ramos patungong Bridge of Promise.
May ongoing pipeline project din sila sa barangay Dumantay, Paharang Kanluran at Gulod Itaas.
Bukod sa hangaring madagdagan ang water availability, layunin din ng proyektong ito na mabawasan ang non- revenue water o water leakage.
Ang lahat aniya ng mga proyektong nabanggit ay inaasahang matatapos ngayong taong 2019.
Matatandaan na simula noong March 1, 2018, nasa pamamahala na ng Prime Water Corporation ang water services ng Batangas City Water District (BCWD) bunga ng Public Private Partnership(PPP) ng dalawang parties. Ito ay para sa upgrading at rehabilitation ng water system at sa pagtatayo ng isang septage management facililty na wala ang lungsod bilang pagsunod sa Philippine Clean Water Act of 2004. Ang mga measures na ito na hindi kayang gastusan ng BCWD ay popondohan ng Prime Water ng P4.6 bilyon.
Bagamat pasado na ang ordinansa sa construction ng sewerage system sa lungsod, hinahanapan pa ng Prime Water ng magandang lokasyon ang pagtatayuan nila ng pasilidad na ito. Inaasahan nila na sa susunod na taon ay maitatayo na ang sewerage system.
Siniguro din ni Arias na hindi magkukulang ang suplay ng tubig sa Batangas City sa kabila ng lumalaking populasyon nito. Meron aniya silang isinagawang pag-aaral o analysis taun-taon hinggil sa water demand gap. “Mayroong project na isang water source o deep well kada taon upang matugunan ang naturang gap.”
“Sa Marso 2020 sisimulan nang singilin ang 12% na value added tax (VAT) sa mga konsumidores. Ang tariff increase ay sa March 2022 depende pa sa approval ng BCWD. Dadaaan pa din ito sa public hearing,” sabi ni Arias.
Pipilitin aniya ng Prime Water na mabigyan ng improved water service ang may 41,600 service connection nila bago matapos ang taon.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.