57 hog raisers handang tumupad sa Batangas City Environment Code

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Inaayos na ng may 57 livestock raisers mula sa siyam na barangay sa Batangas City ang mga dokumneto para sa pagpapagawa ng septic tank at application para sa discharge permit matapos na sila ay silbihan ng City Environment and Natural Resources Office (ENRO) ng notice of violation ng Batangas City Environment Code at ng Philippines Clean Water Act of 2004 noong September 20.

Sila ay mula sa mga barangay ng Soro-soro Ibaba, Tulo, Tingga Labac, Bucal, Tingga Itaas, Talumpok West, Mahabang Dahilig, Sirang Lupa at Conde Labac.

Bago ipadala ang notice of violation, nakipagpulong noong September 16 ang hepe ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na si Oliver Gonzales kasama si City Legal Officer, Atty. Teddy Deguito sa mga officials ng mga nabanggit na barangay kung saan ipinaliwanag nila ang ipinag-uutos ng mga nabanggit na batas.

Sa ilalim ng Article 14 na Agriculture and Agricultural Management ng Batangas City Environment Code, ang mga livestock at poultry raisers ay kailangang magpagawa ng septic tank at wastewater treatment plant upang maiwasan ang polusyon ng surface at ground water,. drainage, canal at creek.

Nakapaloob naman sa Philippine Clean Water Act of 2004 na ipinagbabawal ang pag discharge ng mga pollutants sa karagatan, ilog at iba pa. (PIO Batangas City)