2019 Division Sports Competitions inaasahang makapitas ng national athletes

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Isinagawa ang 2019 Division Sports Competitions ng Batangas City Schools Division ng Dep Ed, na nilahukan ng mga- public at private elementary at secondary schools sa Batangas City Sports Complex Track Oval, September 27. Layunin nitong makapag produce ng mga magagaling na atleta na pwedeng sumabak sa mga regional at national competitions kagaya ng Palarong Pambansa.

Nagpasalamat si i Dr. Donato Bueno, OIC schools division superintendent ,sa mga paaralan sa pag bibigay ng suporta sa anim na taon na pagsasagawa ng event na ito. Aniya, “masasabing isang tagumpay para sa akin ang patuloy na pagdaraos ng event na ito bago matapos ang aking termino ng panunungkulan.”

Ang mga athletes na sina Roland Medez, Hazel Anne Suarez at Archie Zaraspe ng 2019 Palarong Pambansa ang nanguna sa Lighting of the Games Urn. Si Stephanie De Chavez, 2019 Palarong Pambansa Volleyball Girls gold medalist ang nagbigkas ng Athlete’s Oath of Amateurism.

Pinangunahan naman ni Nicolas Asi, education program supervisor 1, MAPEH ang Oath of Conduct for Officiating Officials.

Ang mga larong pinaglabanan sa mga host schools bago ang opening at closing ceremonies ay ang badminton, arnis, taekwondo, basketball, volley ball, swimming, table tennis, soft ball, boxing at ang dance sport competition.

Kabilang sa mga manlalaro ang special children athletes na sasabak sa field demo at track events.

Sa huling bahagi ng programa ay ang Unity Dancercise na ginaya naman ng mga manlalaro. (PIO Batangas City)