- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
BSU itatayo ang pinakamataas na gusali sa BC, pinasinayaan ang bagong gusali
- Details
- Friday, 11 October 2019 - 3:00:00 PM
Isinagawa ang groundbreaking ng 10-storey Higher Education Building at Inauguration ng 5-storey Higher Education Building sa Batangas State University (BatStateU), October 11, sa pangunguna ni BatStateU President Dr. Tirso Ronquillo.
Nakasama niya dito sina Batangas 2nd District Rep. Ranie Abu, Commission on Higher Education (CHED) Commissioner at Chairman ng BatStateU Governing Board Lilian De Las Llagas, BatStateU Vice President for External Affairs at ICT Services, Professor Rogelio Antenor at mga miyembro ng BatStateU Governing Board.
Nagkaroon din ng blessing at ceremonial turnover ng gusali mula kay Dr. Ronquillo kay Arvin Lloyd Atienza, Student Regent.
Ang state of the art 5-storey- Higher Education Building ay may floor area na 5,335 square meters. Ito ay fully airconditioned, may CCTV camera sa bawat room at hallways at may control room kung saan monitored ang activities dito. May limang classrooms sa bawat palapag kung saan ang bawat classroom ay pwedeng maglaman ng 40 estudyante at may LED monitor. Mayroon ding lecture room at audio visual room.
May maluwang itong lobby sa ground floor na magagamit sa mga student assembly. Makikita ang indoor sports room at mezzanine sa 2nd floor. Nasa 2nd at 3rd floor ang view deck na may magandang landscape at artificial falls. Maganda ang view sa hallways at roof top kung saan may solar panel na nagbibigay ng solar energy para sa mga ilaw sa gusali.
Sa kasaluyan ay ginagamit ang gusali ng mga seniors o graduating students at graduate school students kung araw ng Sabado at Linggo.
Ang itatayong 10-storey building na may floor area na 2,776 square meters ay inaasahang matatapos sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon. Magkakaroon dito ng maluwang na lobby sa ground floor para sa mga mag-aaral at mga classrooms at science laboratories simula 2nd floor. Ito ay magiging pinakamataas na gusali sa lungsod.
Ayon kay Dr. Ronquillo, kumpara sa ibang unibersidad, maliit ang kabuuang lote ng unibersidad na may mahigit lamang 7 ektarya kung kayat kinailangan ang vertical buildings upang magawan ng maraming classrooms at ma-accommodate ang mga nais pumasok dito . Aniya mula sa 46,000 estudyante noong 2015, mayroon lamang na 33,000 ang mag-aaral ngayong school year 2019-2020 dahilan sa hindi na nila ma accomodate ang ibang mga passers sa entrance examination bunga ng kakulangan sa pasilidad.
Ayon kay Dr. Ronquillo, malaki ang epekto ng magandang school facilities sa pag-aaral ng mga estudyante at sa kalidad ng edukasyon. “Learning environment gives pride and inspiration to the students. You cannot just tell about excellence if the environment is not running in parallel,”dagdag ni Dr. Ronquillo.
Sinabi rin niya na sa kasalukuyan ay prayoridad ng BatStateU ang faculty development kung saan sa 10-year strategic plan ng university ay naglaan sila ng malaking halaga para dito. “Good faculty produce good students,” pagtatapos ni Dr. Ronquillo. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.