- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pagbabawal sa trikes sa national highway, hindi utos ng SP
- Details
- Tuesday, 15 October 2019 - 1:24:00 PM
Ang pagbabawal sa mga tricycle na bumiyahe sa mga national highways ay alinsunod sa RA 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code kung kayat hindi ito pwedeng manggaling sa Sangguniang Panglunsod kagaya ng ibinibintang sa kanila lalo na sa social media.
Ito ang nilinaw ni Konsehal Nestor Boy Dimacuha, chairman ng Committee on Transportation sa isinagawang committee hearing, October 14, na dinaluhan ng mga konsernadong ahensya at iba’t-ibang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa lungsod.
Ayon kay Dimacuha, hindi maaaring magbigay ng anumang special permit o ordinansa ang sanggunian na magkakaroon ng conflict sa RA 4136 na isang national law.
“The law may be harsh, but it is the law. Opo, naiintindihan namin ang inyong kalagayan na gusto nyo lamang maghanap-buhay subalit nakatali po ang aming mga kamay hanggat ang batas na iyan ay hindi naaamyendahan. Kami naman po ang malalagay sa alanganin kung ang isang national law ay aming sasalungatin,” paliwanag ni Dimacuha.
Ayon kay Malou Suelto, office-in-charge ng Land Trasnportation Office (LTO), nakasaad sa LOI 1942, Section 10, “hindi maaaring dumaan ang mga tricycle sa national highway na mayroong dumaraan na four-wheel vehicles na may bigat na higit sa apat na tonelada at ang normal speed limit ay lumalampas sa 40 kph.”
“Maliban na lamang po kung emergency o kaya ay walang alternative route ang mga tricycle, hindi po sila pwedeng dumaan sa national road which is hindi ito ang kaso dito sa Batangas City. Dahil ang alam ko po ay mayroong mga alternatibong ruta na ginawa ang pamahalaang lungsod para sa mga trikes,” dagdag pa ni Suelto.
Sinangayunan naman ito ni Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) head Engr. Francis Beredo.
Ayon kay Beredo, may mga ruta na inilaan ang kanilang tanggapan para sa tricycles. Ito ay binuksan upang mapagbigyan ang kahilingan ng mga drivers at operators at para sa mga naghahatid ng estudyante sa mga eskwelahan.
“Kung ano po ang nasa batas, yun lamang po ang aming ipinatutupad. Yung mga tramo, yan po ay binuksan para sa mga bumibyahe ng tricycles. Mayroon po tayong bubuksan sa mga susunod na araw sa parteng Alangilan na tutumbok sa Grand Terminal. Lahat naman po ay ginagawa ng aming tanggapan upang mapagbigyan ang inyong mungkahi, sana lang maghintay-hintay tayo dahil hindi po ganon kadali ang magbukas ng mga bagong ruta,” sabi niya.
Hinikayat rin ni Beredo na basahing mabuti ng mga drivers at operators ang kanilang franchise route kung saan nakalagay dito kung hanggang saan lamang sila dapat bumiyahe upang maiwasan ang pagiging out of line nila.
Ayon naman kay Konsehal Oliver Macatangay, sumulat na ang Sangguniang Panglungsod noong nakaraang taon sa DPWH kung saan hiniling nila na makapaglagay ng special tricycle lanes sa national roads upang makabyahe ang mga tricycle subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa sumasagot ang nabanggit na tanggapan.
Sinabi ni Dimacuha na magpapasa sila ng rekomendasyon sa DPWH at LTO na gumawa ng resolusyon na maamyendahan ang RA 4136 para sa paglalagay ng tricycle lane partikular sa diversion road.
“Sinisiguro po natin na dito sa Sanggunian lahat ay pantay-pantay. Kung may magagawa kami para matulungan ang aming nasasakupan, ito po ay tinatrabaho namin, dangan na lamang may mas nakakataas na batas na dapat din nating sundin. Hiling ko lang po sa inyo na sana ay maging responsable tayo sa paggamit ng social media dahil napapagbintangan kami na kami ang nagbabawal sa inyo which is not true,” pagtatapos ni Dimacuha.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.