- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City PNP pinarangalan ang mga supporters sa kanilang programa
- Details
- Wednesday, 30 October 2019 - 4:38:46 PM
Malaking bahagi ng mahusay na pagpapatupad ng mga programa ng Batangas City Police Station ang tulong at suporta ng ilang mga miyembro ng komunidad kung kayat namigay ito ng Certificate of Appreciation bilang pasasalamat at pagkilala sa mga ito.
Ang seremonya ay isinagawa sa Technical Working Group (TWG) at City Advisory Council (CAC) meeting, October 30, sa Sanggunian Session Hall.
Kabilang sa mga binigyang ng certificate of appreciation ay ang Rotary Club Downtown Batangas City na nagbigay ng container van na gagamitin sa pagtatayo ng isang Police Assistance Center (PAC) sa Sitio Ferry Kumintang Ibaba para sa mas mabilis na pagresponde ng kapulisan sa area, at ang Community Based- Support System (CBSS) dahil sa suporta nito sa Operation Section ng City PNP sa pagsasagawa ng checkpoint.
Kasama naman sa mga indibidwal na ginawaran ng sertipiko ng pasasalamat sina Joel Chavez na isang businessman na nagbigay ng computer set para sa San Isidro PAC base; ang media man na si Benedicto Griño; ang mga barangay chairmen ng Cuta, Ramil Caseda at Sta. Rita Karsada, Marciano Ilagan para sa kanilang suporta sa kampanya laban sa iligal na droga; at Donna Valdez, city government employee para sa tulong niya sa pagsasagawa ng License To Own and Possess Firearms (LTOPF) caravan.
Kinilala rin ang malaking suporta ng CAC members sa accomplishments ng City Police Stations kung saan kamakailan lamang ay tumanggap ng award bilang Outstanding City Police Station sa buong lalawigan ng Batangas. Ilan pang provincial and regional awards ang tinanggap ng himpilan dahil sa mahusay na implementasyon ng mga programa ng PNP.
Samantala, nanumpa sa katungkulan ang mga miyembro ng CAC para sa pagpapalawig ng kanilang kooperasyon sa City PNP kasama ang mga bagong miyembro nito na sina Ramon Araneta, vice president for External Affairs and Security, First Gen Clean Energy Complex; Ronald Generoso, administrator, Red Cross Batangas; Jaimelee de Castro, head, news division Brigada News FM; at Pastor Ephraim Camacho, president, Batangas Christian School. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.