- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
City Police target ang zero casualty sa pagdiriwang ng Bagong Taon
- Details
- Thursday, 07 November 2019 - 4:47:00 AM
BATANGAS CITY- Target ng Batangas City Police Station na maging zero casualty muli sa lungsod sa pagpasok ng bagong taon kung kayat bingyang diin nito na kailangang mahigpit na maipatupad ang mga rules and regulations sa pagtitnda at paggamit ng mga fireworks.
Noong November 5, nagkaroon ng pagpupulong ang city police sa mga regulatory offices at may 31 fireworks vendors upang muling talakayin ang mga batas na dapat sundin upang maseguro ang kaligtasan ng publiko.
Kabilang sa mga ahensyang dumalo ay ang Business Permit and Licensing Office (BPLO), General Services Department (GSD), Transportation Development and Regulatory Office (TDRO), Defense Security Services (DSS), Public Services and Maintenance Unit (PSMU), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Batangas City Bureau of Fire Protection (BFP) at Association of Barangay Captains (ABC).
Ayon sa hepe na si PLTCOL Sancho Celedio, zero casualty ang lungsod noong 2017, lima ang nasugatan ng paputok noong 2018 at muling zero casualty nitong 2019.
Pinuri aniya ni dating Regional Director Edward Caranza ang Batangas City dahil sa pinaka organisado ang mga vendors ng fireworks. “Kagaya noong isang taon, kailangang sumunod ang mga magtitinda sa regulasyon upang pamarisan ng ibang bayan, binigyan diin din niya na dapat sumunod sa policy rules and regulations ang mga operators kagaya ng paglahok sa fire safety seminar.” dagdag pa niya.
Ipinaliwanag ni SPO1 Ding Calalo PMSG/Firearms desk PNCO, ipinagbabawal ang paglalagay ng mga paninda sa sasakyan. Kailangang hindi lalampas ng 500 kilos ang paninda at ipinagbabawal ang pagiimbak nito sa bodega sa bahay. Mahalaga rin ang distansiya ng mga tindahan sa mga bodega upang maiwasan ang pagkakadamay ng ibang pasilidad o straktura kung sakaling may pumutok o magkasunog sa bodega. Ang sukat ng isang stall ay dapat three meters by five meters at bawal ang extension ng stall. Mayroon din safety guidelines kung saan dapat `maganda ang packaging at may label ng manufacturer ang tindang produkto.
Kapag may ilegal namang magbenta ng paputok sa mga menor de edad, aalamin kung sino ang nagbenta at siya ang papatawan ng kaukulang kaparusahan.
Ipinagbabawal din ang pagpapaputok sa harap ng bahay. Pwede lamang magpaputok sa mga lugar na itinalaga ng lokal na pamahalaan o ng barangay kung saan ito ay dapat malayo sa mga kabahayan.
Ang Batangas City Coliseum parking area ang muling itinalaga ng pamahalaang lungsod kung saan pwedeng magbenta ng mga fireworks.
Ang sinumang lalabag sa mga regulasyon ay papatawan ng parusang pagkakulong ng anim na buwan hanggang isang taon at multang P20,000 o hindi lalampas sa P30,000.
(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.