- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kooperatiba tumutulong sa paglago ng rural economy
- Details
- Thursday, 07 November 2019 - 4:00:00 AM
Malaki ang papel ng kooperatiba sa economic development ng rural areas sa Batangas City. Patunay nito ang success story ng Tulo Multi-Purpose Cooperative
Nagsimula noong April 1997 sa 85 myembro, ngayon ay 650 na ang kasapi ng kooperatiba.
Sa dating P 36,000 na shared capital, ngayon ito ay may P 26 milyon capital na at may kabuuang assets na P36 milyon.
Ayon kay Ruby Olaso, manager ng kooperatiba, feeds ang kanilang pangunahing produkto noong sila ay nagsisimula pa lamang. Nagnegosyo din sila ng yellow corn at nagtayo ng grocery store.
Subalit nang humina ang bentahan nito, nagdesisyon silang magbenta ng bigas. Mula sa 10 sako ng bigas, sila ngayon ay nakakabenta ng 200 sako nito sa loob ng isat kalahating buwan.
Nabigyan aniya sila ng grant ng Dept. of Labor and Employment noong nakaraang taon ng halagang P 970,000 para sa livelihood project na garments.
Ito ang napili nilang negosyo sapagkat maraming mananahi silang myembro na nagtraining sa OCVAS. Sila ngayon ay supplier ng PE uniform sa BANAHIS at ng mga pantrabahong uniform sa Castorama at sa Jasmig.
Mabili din ang kanilang mga produktong eco bags, bed sheet, punda, basahan at mga cover ng water dispenser at sapatos.
Upang maging myembro, kailangang magbigay ng P 2,000 minimum capital share at magbayad ng P 500 membership fee, mutual death aid fund na P 100 kung saan maari silang makakuha ng death benefit na P5,000.
Ang mga myembro ay entitled sa regular loan na ang halaga ay depende sa iyong initial capital na 10 months to pay at collaterized loan na babayaran sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.
Mayroon din silang memorial lot na inoofer sa kanilang mga kasapi.
Binigyang diin niya na malaking papel ang ginagampanan ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Cooperative Division ng OCVAS na siyang nag-organisa at nagbigay ng technical assistance sa kanilang kooperatiba
Pagkakaisa at pagtutulungan ng mga myembro aniya ang ilan sa mga dahilan kung bakit lumago ang kanilang kooperatiba. “ Kapag kasali ka sa kooperatiba, kumikita ka at hindi natutulog ang iyong pera,” sabi ni Olaso.
Tinuturuan din ng samahan ang mga myembro upang mapalago ang kanilang kapital at tubo. Paglaki ng pagpatronize ng miyembro sa mga produkto ng coop, paglaki rin ng dibidendo na matatanggap niya.
Plano nilang iinvolve ang buong pamilya at hikayating maging myembro ang buong mag-anak upang makakuha ng mas maraming benepisyo.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.